**Dedicated to Abbie Mae De Belen. Sa pagtatiyagang intndihin ang handwriting ko sa notebook
Answer ko sa tanung last December 15, 2011, hehe kung sino ang makakatuluyan ni Shayne?? Syempre secret muna un... Keep on reading my story at dun mo malalaman ang sagot sa tanung mo.. Pero by now, I will leave a clue sayo, kung san siya masaya un ang makakatuluyan niya hahaha... Pero wala pa kasi ang appearance ni Daniel ehh.. Sa chapter pa lang na to siya aappear hahah :)
Thanks sa pagcomment ng story ko ah... As my promise, ilalagay ko siya here sa Watty :) heheh More power 2 u :)
Enjoy reading guys :)
****************************************
" Kaasar tong araw na to!!!!! "
- Shayne's POV -
Maaga akong nagising ngayon. Nakatanggap kasi ako ng text galing sa tropa na nagsasabing bukas ng 7am, pupunta kami sa ICCT COLLEGES para kumuha ng Entrance Exam.
Ramdam ko na talaga na college student na ako pagpasok dahil iba na yung atmosphere na ginagalawan ko. Saktong-sakto naman ang dating ko. Mabuti na lang at inagahan ko ang alis. Ayaw ko nga mahuli sa pagkuha ng Exam na yan!
Sabay-sabay na kami pumasok sa loob. Ang ganda naman dito. Ang daming students na nag-aaral dito.
" Masaya siguro mag-aral dito. " Tanong ko sa sarili ko.
Dumiretso kami sa Admission ng school. Maraming mga incoming Freshmen students ang gustong mag-aral din sa ICCT. Familiar nga talaga ang school na ito. Lalo tuloy ako naeexcite na mag-aral dito.
Mahaba ng pila! Sa mga oras na ito kasi ay dagsa ang mga kagaya namin na gustong mag-exam din sa ICCT. Siguro nga nagandahan sila sa mga promotions nito kagaya nang ginawa naming magkakatropa. Inabot siguro kami ng isang oras para makuha ang questionnaire sa faculty na nag-gaguide sa amin. Pinapunta kami sa kabilang room kung saan nakasulat sa labas na TESTING ROOM.
Pahabol na sinabi sa amin na pagkatapos naming sagutan lahat ng sa questionnaire, pumunta lang kami sa Counter 2 ng Admission para ipacheck ang sagot namin.
Nagtabi-tabi naman kami ng tropa. Nakakatuwa nga sila eh. Mga nagkokopyahan ng sagot. Entrance Exam, mga nangongopya!. Hindi talaga nila maiwan-iwan ang mga nakagawian nung High School pa kami.
“Hoy!” May nagsalitang lalaki sa bandang kanan ko. Hindi ko napansin na may katabi pala ako. Akala ko solo ko lang yung last row na to.
“Ay, palaka.” Nagulat ako sa nag-hoy sa akin.
“Bakit ka tulala? Ang tagal mo naman magsagot. 20 minutes na nakakalipas nasa number 3 ka palang. Samantalang ako. . TAPOS nang magsagot. ” Puna sa akin nang lalaking katabi ko.
Aba! Loko to ah.! Nangingialam! Palibhasa kasi ay pagkokopya lang ang alam nilang gawin! -.-
“Sino ka naman para pakialaman ako?” Pagtataray ko sabay dedma na lang sa mga sinasabi niya.
Nagpatuloy lang ang tropa sa pag-aaway at pagkukumpara ng mga sagot sa test papers nang may lumapit na staff ng school sa amin.
“Huwag kayo maingay! Hindi makapagconcentrate ang iba sa pagsasagot. Kung tapos na kayo pareho, lumabas na kayo diyan at doon mag-away!” Sabi ng mataray na maliit at matabang staff nila doon.
" Buti pa ako, nanahimik na lang dito. " Sabi ko ng mahina pero mukhang narinig nila dahil sabay sabay silang lumingon maging ang lalaking yun.
Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa ko freshmen. Naririnig ko naman na nagbubulungan sabay tatawa ang tropa. Mga lokaret talaga.
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?