Enjoy Reading Guys ^__^
*********
" First Move "
- Someone's POV -
" Ano na ang lagay ng sales sa JGC (Jobsters Group of Companies, leading company sa bansa sa larangan ng paggawa ng mga online at offline games na pagmamay-ari ng mga magulang nina Daniel at Shayne) ? " Sabi ng isang tao sa kausap nito. Halatang kilala ang taong ito dahil na rin sa itsura nito at madalas na paglabas sa mga pahayagan at tv advertisements at galing siya sa angkan ng isa sa mga kinikilang kumpanya ngayon. Nasa isang private room sila sa kumpanyang pag mamay-ari ng kanyang ama.
" Ayon po sa impormasyong nakalap ko, bumaba ng 5 % rate ang dating 8 % ang sales nila. Hindi gaano naging maganda ang feedback ng mga consumers sa new product nila at kapag nagpatuloy ito, mauuwi sa bankruptcy ang lahat. " Sabi ng babaeng naka-company attire at habang tinitignan ang mga papeles na nasa harapan niya.
" Good to hear! Just continue what you are doing. Dadagdagan ko pa ang bayad. Just text me kung may balita ka na sa mga pinapagawa ko. " Tumango na lang ang babae at lumabas na ng kwarto.
Naiwan namang nakaupo ang taon. kausap ng babae.Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at saka nag-dial ng numero sa screen. Nagring ang numerong tinawagan niya at maya maya lang ay sinagot na ito.
" Meet me after class. We need to talk. " Sabay end ng tawag. Ngumisi na lamang ito sabay tumayo mula sa kinauupuan nito at kinuha na ang kanyang mga gamit na nakapatong sa lamesa.
" Tignan natin kung maipagpapatuloy niyo pa yang kasayahang tinatamasa niyo ngayon. " Naglakad na siya palabas ng kwarto at dumiretso sa parking lot.
*****
- Shayne's POV -
Natapos ang exams namin pero hindi pa din ako kinakausap ni Daniel. Hindi ko alam kung bakit pero parang mali dito. Nagiging close pa lalo sila ni Nicole Anne! Nakakaramdam man ako ng selos pero nawawala naman agad ito gaya ng dati. Lagi kasi ako kinukulit at nilalambing ni Nicko. Ewan ko nga ba pero hinahanap hanap ko pa din ang pagtataray ni Daniel sa akin.
Akala ko nga dahil sa magkakasama kami bilang mga coordinators sa B.A Week ay magiging malapit pa kami lalo kaso, unti unti naman pala siyang lumalayo. Masakit man pero kailangan ko itong tanggapin.
" Shayne, nakikinig ka ba ha? " Bigla akong natauhan sa sinabi ng katabi ko.
" Ha? May sinasabi ka ba? " Liningon ko ang katabi ko.
0_0
Laking gulat ko na lang na napakalapit na ng mukha ni Nicko sa akin. Onti na lang mahahalikan ko na siya. Nakapalumbaba pa siya sa armchair ko. Todo ngiti pa ito.
>.< Naiilang man ako sa pwesto naming dalawa ngayon pero ang cute talaga ng itsura niya. Inilayo ko na lang ang mukha ko at tumingin na lamang sa white board.
" Ang sinasabi ko lang naman ay kung pwede ba na sabay tayo maglunch mamaya. " Lalo nito nilaparan ang ngiti niya. Kitang kita ng mga mata ko kung paano ako titigan ng masama ng mga kaklase ko.
" Ah! Yun ba sinasabi mo sa akin? Sige! Sabay na tayo maglunch. Basta ba't libre mo eh. " Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot na yan. Kusa na lang ito lumabas sa aking mga bibig. Nawala na din ang masasamang tingin ng mga kaklase ko sa akin.
Natapos ang klase namin sa umaga. Naunang umalis si Nicko papunta sa canteen. Narinig ko kasi na may kausap ito sa phone at nakikipagtalo kay Kenji kung hindi ako nagkakamali ng pagkakadinig.
Nag-aayos naman ako ng gamit ko ng hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nina Daniel at ni Nicole Anne.
" Magtanghalian na kasi tayo sa Sta Lucia. Ayaw ko kumain ng mga street foods! Kadiri kaya yun! " Kahit kelan talaga!! Napakaarte nitong si Tuko! Napatingin tuloy ako sa kanila. Kitang kita ko na naman ang pagkapit niya sa braso ni Daniel. Nagtama ang mga mata namin at ngumisi ito.
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?