Chapter 27 - Review Session 101

757 22 4
  • Dedicated to Crisel Dela Cruz
                                    

***Ang update na ito ay pinagsamang eksena sa Playful Kiss at review session na nangyari sa Author na ito.

**This is a long and detailed chapter :') Enjoy reading guys. .

****************

" Review Session 101 "

- Shayne's POV -

" Hindi ka talaga nagbibiro? Lahat talaga ng mga yan pag-aaralan natin? " Pag-uulit ko. Ang kapal talaga ng ibang libro.

" Sabing oo nga eh! LAHAT YAN PAG-AARALAN NATIN!! Sabihin mo lang kung ayaw mo ng ituloy ang review session na ito! Hindi yung nag-aaksaya tayo ng oras sa walang kwentang bagay!! " Sigaw ni Daniel sa akin. Mukhang nairita na siya sa akin.

" S-sige. Simulan na natin ito. 7pm na eh! Wala pa tayo nasisimulan. " Sabi ko na kinakabahan. Bahala na talaga si Lord sa akin. Sana maabsorb ko lahat ng mga ituturo niya sa akin.

" Ok. Let's Start! " Kinuha niya ang unang libro na pag-aaralan namin. Makapal ito at mukhang latest edition pa ito at bagong bili lang.

Practical Accounting 1: 2011 Edition

Yan ang title ng libro na hinawakan ni Daniel. Binuklat niya ito sa First Chapter.

1 - STATEMENT OF FINANCIAL POSITION

" Shayne, tignan mong mabuti itong page 1 ng book. " Sabay takip sa bandang ibaba ng libro gamit ang papel.

" Ah ok. "

" Ilabas mo na yung mga pinadala ko sayo. " Utos niya. Ako naman ay biglang sunod sa utos niya. Nilabas ko ang mga pinadala niya.

" Babasahin ko sayo ang tanong at after kong basahin ay saka ka sasagot. Maliwanag ba? "

" Ok. "

" The general ledger trial balance of Darwin Company includes the ff. accounts on December 31, 2011:

Inventory, including inventory expected in the ordinary course of operations to be sold beyond 12 months amounting to P 700,000  - 1,000,000 

Trade receivables - 1,200,000 

Prepaid insurance - 80,000 

Listed investments held for trading purposes at fair value - 200,000 

Financial assets at fair value through other comprehensive income - 800,000 

Cash - 300,000 

Deferred tax asset - 150,000 

Bank overdraft - 250,000

What amount should be reported as total current assets on December 31, 2011?

a. 2,780,000 

b. 2,530,000 

c. 3,580,000 

d. 2,080,000

Simulan mo ng mag-compute, Shayne. "

Agad ko namang kinuha ang ballpen, scratch paper at calculator. Binasa ko muna ang tanong. Bale ang tinatanong ay ano daw ang total current asset.

Napaisip ako. Ano nga ba ang current asset? (=_=)?

" Sa pagkakantanda ko, ang current asset ay ang na-acquire mong items na less than 1 year na pwede mong gamitin. So bale, itong prepaid insurance, trade receivables, cash at inventory kasali. Pero yung deferred asset, ewan ko kung kasali. " Explanation ko habang sinusulat sa scratch paper ang mga account titles. Napalingon ako kay Daniel na kasalukuyang nagsosolve din sa problem.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now