"64th Commencement Exercises at JSMJC"
This is it! Heto na! Dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Makakagraduate na kami. Noong una, nag-aalangan pa kami ng tropa dahil baka umulit kami ng fourth year pero laking gulat na lang namin ng iannounce ng Adviser/Principal ko na lahat ng FOURTH YEAR students ay makakagraduate.
Syempre, sina Mama at Papa ay alangan din na baka hindi ako makagraduate. Nasorpresa pa nga sila ng sinabi kong makakagraduate this March at ipinagsigawan pa nila sa buong baranggay namin na makakagraduate na ako. \(^0^)/
Narito ako ngayon sa room ng IV - Love. Binabati ko ang lahat ng classmates ko ng "CONGRATS" at sabay kuha ng picture kasama ang mga friends sa room, at maging buong klase narin, isama na rin natin ang mga parents namin. Alam mo naman ang tinatawag na SOUVENIR PICTURES di ba?
Hindi kasi kami magkakaklase ng tropa kaya nagsulit na kami ng kuha. Sinabi na ng Principal namin na magstart na ang program.
Pinapapila na kami sa labas ng room at nagsimula nang maglakad sa corridor ng building ng FOURTH YEAR STUDENTS papunta sa Quadrangle kung saan doon gagananapin ang Graduation namin. Nakita ko naman ang mga mukha ng kabatch ko na ang iba ay natuwa at ang iba naman ay nalungkot. Nang nasa tapat na ako ng room nina Alwyna, nakita ko naman ang ngiting ngayon ko lang nakita. I smiled back. Ningitian ko din ang Mommy ni Best.
Nakatayo kami ngayon at pinapakinggan ang mga CONGRATULATORY MESSAGE ng mga visitors at ang aming guest speaker pati narin ang message para sa amin galing sa aming Valedictorian at Salutatorian.
"Giving of Diplomas to be led by Dr. Faustino followed by our school directress, Mrs. Sanvictores."
Bigayan na ng diplomas. Syempre, excited ang lahat. Eto na kasi ang patunay na kaming lahat ay graduate na. Unang Tinawag ng emcee ang section namin.
"Fourth Year Section Love"
Lahat naman kami ay pumila sa gilid ng stage. Isa-isa tinawag ang names namin.
"Shayne De Leon Fuentes, daughter of Mr. and Mrs. Fuentes."
Lalo akong natuwa. HIndi ko alam kung ano ang expression ng mukha ko noon. Basta nakita ko na lang na nagtatawanan ang tropa.
Kasama ko si Mama sa stage. Inabot na sa akin ang aking Diploma at Special Citation para sa mga parents na nagsumikap para makapagtapos kami.
Nang pababa na ako ng stage, bigla naman ako napahinto. Sumenyas kasi si Best na nandito daw si Kris. My first heartbreak. Mas ahead ako sa kanya ng year.
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?