Chapter 23 - Call Of Attention

755 24 6
                                    

***Eto na ang kadugtong hahah :) Thanks sa paghihintay :')

Enjoy reading guys.

*********************

" Call of Attention "

- Shayne's POV -

*kkkrringg*

" Ano ba! Natutulog yung tao ang ingay! " Sigaw ko habang pilit na inaabot ang alarm clock sa side table. Pagkaabot ko sa alarm clock ay agad akong bumangon at tinignan ang orasan.

" 9:50pm na. Siguro tapos na ang tapings at guestings niya? Susulitin ko talaga ang gabing ito! Third time nang tumatawag si Nicko sa akin at gamit niya pa ang private number niya. " Bulong ko na may kasamang malapad ngiti sa aking mga labi at saka inilapag muli ang alarm clock sa side table at tuluyan na akong bumangon at naglakad papunta sa study table ko para kunin ang phone ko.

Pagkakuhang-pagkakuha ko sa phone ko ay bumungad sa akin ang 10 messages. Nacurious akong buksan ang mga text messages nila sa akin kahit na puro gm lang naman ang karamihan nito. Pero pumukaw ng atensyon ko ang text messages mula sa magpinsang sina Alwyna at Nicko.

From: Alwyna

Hi best! Kamusta ka na? Hindi ka na nagpaparamdam lately eh. Minsan nga mag-get together tayo nina Peter at sobrang miss ko na kayo. Pakisabi na lang sa kanila bukas ah tapos inform mo ko sa napag-usapan niyo para makapagset tayo ng date. Nakakalakad na pala ulit ako. Magaling na ang right ankle ko. Oh siya, wait ko na lang ang text mo. Take care and good night.

Napangiti ako. Ang tagal na namin hindi nagkikita ni Alwyna at nakakasama. Im sure na matutuwa sina Peter kapag nalaman nila ang plano ni Alwyna.

Binuksan ko naman ang text message mula kay Nicko.

From: Nicko

 

Baka mga before 10:30pm na ako makatawag. Medyo busy pa ako dito sa photoshoot para sa ineendorse kong clothing line. Basta tawagan kita afterwards or kapag nasa condo na ako. Pasensya na talaga.

 

Hay! Akala ko naman tapos na siya sa mga ginagawa niya hindi pa pala. Agad kong nireplyan ang text message na iyon.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now