" Epilogue "
- Shayne's POV -
Pagkatapos ng lambingang nangyari nung gabing iyon, lalo naging overprotective si Daniel sa akin. Overprotective siya na parang kami na. . Pero syempre. . sabi nga sa bible verse na ecclesiastes 3:1, " there is a right time for everything. " Matagal ko na naman siyang pinayagan na manligaw sa akin eh. Kumbaga, hinihintay ko lang na tanungin niya ako kung pupwede at saka. . napagdesisyunan naming dalawa na maging friends muna kami para hindi madistract ang pag-aaral namin. Gusto lang namin mapatunayan sa mga magulang namin na hinding hindi namin sisirain ang kanilang mga tagubilin at pinapangarap para sa amin. Si Papa naman, nasa ibang bansa ulit para daw makapaghanap ulit ng mga investors. Kung minsan, nahuhuli ko pa silang magkausap ni Mama tungkol sa kumpanya. . Nagtataka man ako kasi lagi ko silang nakikitang namomoblema at kung minsan pa nga eh ang lalim ng kanilang iniisip, hindi ko na lang sila tinanong. . May mga bagay bagay silang hindi talaga sinasabi sa akin pero alam ko. . Diyos lang ang makakaalam at makakatulong sa kung ano mang problema ang kinakaharap ng kumpanya nina Papa at ng kasosyo niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala pero kapag nasa bahay si Daniel, close na close sila ni Papa na animo'y matagal ng magkakilala. Hmm. . Ano kayang meron sa kanilang dalawa?. .
Sa kabilang banda, nasa school kami ngayon para mag-enroll for Second Year. Wala namang pinagbago sa takbo ng buhay namin nitong nakaraang taon except sa palagiang papanakit ng ulo ko na iniinda ko pa rin hanggang ngayon. Hindi ko ito sinasabi sa mga magulang ko maging sa kanya dahil ayaw kong mag-aalala sila. Kahit na ganoon, naging madaldal ako lalo at naging makukulit pa lalo ang tropa namin. Kung tatanungin niyo ako kung ano ang nangyari nung quiz bee noong First Year kami. .Syempre. . Naging matagumpay naman ito at tuwang tuwa ang Dean namin sa naging takbo nito. Maraming mga ka-course namin ang sumali sa quiz bee maging sina Renz ay sumali din pero syempre, hindi sila pinalad dahil unang tanong palang, tanggal na! XD Tinanghal na quiz bee champion si Nicko na inialay pa sa akin ang pagkapanalo niya >.< at lalong nagtilian sa gym nang i-award na sa kanya ang trophy at medalya. Nakita man ni Daniel ang eksenang yun, alam ko na hindi na siya magpapadala sa mga sabi sabi . . Nagkaroon din ng mga seminar para sa lahat ng business course at syempre idinaos din namin ang Acquiantance Party na kung saan nandun din ang Spanish Bread para magperform ng mga awitin para sa amin.
Sa acquiantance party din nalaman ng tropa ang tunay na namamagitan sa aming dalawa ni Daniel. More than friends ang tinginan namin kumbaga, M.U kaming dalawa. Nang malaman nila ito, nagtawanan at nag-asaran ang mga loko. Sinabi pa nila na kahit na hindi namin sabihin, halatang halata naman aa mga tinginan at ngitian naming dalawa ni Daniel sa classroom kapag naglelecture ang prof namin.
Si Nicole naman. .Ayon! . buntot pa din ng buntot kay Daniel kahit na alam niyang nasa ibang level na ang pagtitinginan naming dalawa. Tuko na nga ang tawag sa kanya eh despite na mukha naman talaga siyang tuko ^__^v Lalo lang namang lumandi si Nicole. Iniitsapwera nalang siya ni Daniel at kami. . Natatawa sa kanya. Narinig pa nga namin na sinabihan ni Nicole si Daniel ng , " Mababawi din kita kay Shayne. " Tumawa na lang ako at ngumiti. . Nagbigay man sya ng babala, hinding hindi ko siya uuru gan ^__^
Si Alwyna naman ay nasa ibang bansa pa din. Umuwe lang siya nung nakaraang pasko at kitang kita namin kung gaano niya namiss ang Pilipinas. Inulan pa nga kami ng mga pasalubong na bag, damit at mga chocolates. Natawa nalang ako dahil tinototoo nga niya ang biro namin sa kanya na mag-uwi siya ng pasalubong XD Nagulat din kami nang malaman namin na isang taon na pala ang relasyon nila ng dating driver nila na ngayon ay nagtatrabaho na sa kumpanya nila na si Gelo. Unang kita ko pa lang sa kanila ay alam ko nang magiging magkasintahan ang dalawang iyon balang araw at natutuwa naman kami sa kanila kasi magkalayo man sila, ramdam na ramdam mo yung pagmamahalan nila sa isat isa. .
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomantikAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?