Chapter 46 - Transferees

499 15 0
  • Dedicated to Abbie Mae De Belen
                                    

Enjoy Reading Guys :')

*******

" Transferees "

- Shayne's POV -

Maaga kaming pumasok ni Daniel. Diretso agad kami sa Dean's Office. Hawak hawak ko ang isang folder na naglalaman ng mga pwedeng activities sa B.A Day gaya ng pinapagawa niya sa amin.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay agad kong iniabot ang folder. Marahan niya itong binuksan. Sinuri niya ang laman nito at biglang ngumiti. Mukhang nagustuhan niya ang ginawa namin. Lumingon ako sa katabi ko at ngumiti ito ng pagkawagas wagas ng hindi man lang tumitingin sa akin.

" Job well done! Makakaalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase niyo. " Sabi ni Dean sa amin habang nakangiti. Tumango na lang kami ni Daniel at saka lumabas ng kwarto.

Naglalakad kaming dalawa sa corridor ng building namin ng maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko. Inintertwine niya ito sa pagitan ng mga daliri ko. Nabigla man ako sa ginawa niya pero hindi ko maaaring itanggi sa sarili ko na hindi ako kinikilig ngayon. Yumuko na lang ako para hindi niya na makita pa ang mukha ko at sigurado ako, aasarin niya ako. Ramdam ko din na maraming mga mata ang nakatingin sa amin ngayon.

Aminado ako. Gwapo itong si Daniel kahit na mataray minsan pero grabe kung maglambing. Ang ganda pa ng boses niya pag kumakanta at matalino pa. Kaya napakaswerte ko na ako ang minahal niya.

Hindi ko namalayan na nasa room na pala kami. Syempre, nakatingin na naman ang mga kaklase ko samin.

" Ano na namang kadramahan yan? Kailangan talaga holding hands kayo pagpasok? " Mataray na sabi ni Mhel. Iniangat ko ang ulo ko. Panay ang tawa ng mga tropa sa akin. Paano naman kasi sobrang namumula ang mukha ko. Kahit itong si Daniel tinatawanan din ako.

Binitawan ko ang kamay niya at padabog na umupo sa upuan ko. Kagaya pa din ng nakaraang trimester ang upuan namin. Block section ang kinuha namin ng buong tropa para daw wala kami mamiss na subjects.

Inaayos ko ang mga gamit ko ng bag ng biglang nagsalita si Amirah.

" Mga tol, alam niyo na ba ang balita? Lumipat daw dito sa school natin si Nicko Espiridion dahil daw malapit lang ito sa condo niya. Ang sabi pa, Accountancy din ang course niya at kaklase pa natin siya. " Kilig na kilig niyang sabi.

Wait! Tama ba ang narinig ko? Lumipat si Nicko dito? Paano nangyari yun? Kaya ba niya nasabi sa akin na sa pasukan ay lagi na siyang nasa tabi ko?

Tinignan ko si Daniel kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Amirah Naging seryoso ang mukha nito habang nagbabasa ng libro. Nakakaramdam na ako ng masamang awra ngayon pa lang.

" Hindi lang yan! Pati ang anak ng may-ari ng gaming company na si Nicole Anne Fontanilla nandito din! Kagaya din ni Nicko, same course at section ang kinuha nito. " Pagpapatuloy ni Amirah. Bago pa ako makareact ay nakarinig kami ng ingay.

Galing sa katabi ko ang ingay na yun at nang lingunin ko ito, nakakuyom ang mga palad nito at ang librong binabasa nito ay nasa sahig na.

May biglang namuong katanungan sa isipan ko. Ano ba talaga ang kaugnayan ni Nicole Anne kay Daniel? Totoo ba na girlfriend nga niya ito at magiging fiancee niya ito? Balak ba niya na pagsabayin kami? No way!! Pero bakit mukhang galit na galit si Daniel? May alam kaya siya sa paglipat nito?

Natauhan ako nang biglang magkagulo ang mga kaklase ko. Lahat kami ay napatingin sa pinto. Kaya naman pala nagkakagulo dahil nakatayo sa pintuan si Nicko at mukhang naghahanap ng mauupuan dahil palingon lingon ito.

" Nicko! Dito ka na lang umupo oh? May vacant pa dito. " Sabi ng kaklase ko na mukhang flirt. Pauulit ulit nilang sinasabi yan pero hindi pa din sila pinapansin ni Nicko at sa halip ay tumingin ito sa akin at ngumiti. Napayuko naman ako at biglang namula. Siniko naman ako ni Amirah. Ewan ko ba kung bakit niya ginawa yun siguro nakita nito na nagblush ako.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now