"Its nice to be back"
- Alwyna's POV -
Excited na akong umuwi sa Pilipinas. I miss the atmosphere there. Lalo na ang tropa at si Best na kahit ngayon alam ko nagpapakabitter na naman yun! Siya pa! Hindi nga makamove on yun!
Abalang abala ako sa pag-aayos ng gamit ko dito sa loob ng kwarto nang bigla kong maalala ko ang mga pasalubong nila.
Grr! Bakit ngayon ko pa naalala! 4 hours na lang, lilipad na kami pauwing Pilipinas! Anong gagawin ko? Makakaabot pa ba ako sa flight kung sakaling bumili man ako? Basta! Bahala na! Bahala na si Batman
Nagpaalam ako kay Mommy na lalabas saglit para bumili ng pasalubong. Mabuti na lang at pumayag siya! Pahabol pa niyang sinabi na bumalik agad ako pagkalipas ng dalawang oras para makaabot sa flight.
Dali dali akong lumabas ng hotel suite at nagtawag ng taxi. Tinanong ako ng taxi driver kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang sa nearby souvenir shop.
Pagkadating ng taxi sa souvenir shop, nagmamadali akong bumaba at halos takbuhin ko na papasok. Ang daming magagandang items na pwwdeng ibigay sa tropa kagaya ng tshirts, bag, keychains at iba't ibang klaseng mga items ang binebenta nila.
Tinignan ko ang wrist watch ko. 30 minutes na lang!. Kailangan ko nang bumalik sa hotel. Agad kong dinampot ang keychain na ang design ay place ng Singapore at mga tshirt na iisa lang ang size. Siguro mga 10 na Medium-sized shirts ang kinuha ko. Hindi ko na tinignan kung ano design nila. Dali akong pumunta sa cashier para magbayad.
"3 pieces for SD 10." Sabi ng kahera sa akin.
Agad kong nilabas ang wallet ko. Binayaran ko siya ng buo at sinabi ko pa na "keep the change" with matching smiling face pa! Nagmamadali akong nagpara na naman ng taxi pagkalabas ko sa shop. 10 minutes. I need to go to hotel at exactly 1pm.
Habang nasa loob ako ng taxi, namangha ako sa lugar na nakikita ko. Ang linis at organize ang lahat ng bagay dito. Walang kalat, hindi madumi ang mga kalsada maging ang daluyan ng tubig, walang traffic at makikita mo na ang mga tao ay sumusunod sa patakaran ng bansa nila. Kumpara sa atin, kahit anong gawin ng gobyerno, masyadong matigas ang ulo ng mga Pilipino.
Wala pang 10 minutes ay nasa hotel suite na ako. Agad akong sinalubong ni Mommy. Nasa labas na ang gamit namin.
"Ang tagal mong bumalik. 2 hours na lang departure time na natin."
Nagtawag ng taxi si Daddy. Nauna kami ni Mommy na sumakay sa loob ng taxi habang si Daddy ay abala sa pag-aayos ng gamit namin. Maya maya pa'y pumasok na din siya sa loob. Pinaandar ng driver ang taxi nang marahan. Agad naman namin narating ang airport. Nag-check in sina Daddy at Mommy nang gamit namin sa baggage counter.
Habang hinihintay ko sila, naupo ako sa bench. Bigla ko naalala ang favor ni Nicko. Nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko pa iyon. Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw ko siyang makitang umiiyak dahil kay Shayne. Kailangan, pag-uwe ko sa Pilipinas ay makausap ko siya ng masinsinan. Sasabihin ko sa kanya na hindi ko kayang gawin ang favor niya.
Agad ko namang napansin si Mommy na sinesenyasan akong lumapit. Tinatawag na pala ang flight namin. Goodbye, Singapore! ^_^
Nang nasa airplane na kami, biglang nagtanong si Mommy nang seryoso sa akin.
"Anak, may napupusuan ka na bang course na kukunin sa college?"
Oo nga pala! College na pala ako pagpasok. 2 weeks na lang at pasukan na. Wala akong maisip na course na gusto ko itake. Nagdadalawang-isip ako kung Business Administration or Engineering ang kukunin ko.
"Anak? May problema ba? Ang lalim ng iniisip mo."
Calling... Kuya Nicko
"Hello?"
"Alwy!! Namiss kita! Pinadala ni Mommy si Gelo para sunduin kayo."
Gelo pala ang name niya. > /// <
"Wait.! May sasabihin ako. Hindi ko kayang gawin ang favor mo. Ayaw kong masaktan at umiyak ka."
"Alwy.. Nung nawala ka, alam kong sasabihin mo iyan. Alam kong safety ko ang iniisip mo. Pero simula nung araw na nakita ko ang bestfriend mo, ipinangako ko nang handa akong masaktan."
"Sorry talaga, Kuya Nicko. Sana nauunawaan mo."
"Wala iyon! Oh siya,inaantay na kayo ni Mommy sa mansion niyo. Punta ako maya diyan after ng tapings at appointments. See you later." Sabi niya sabay putol ng tawag.
Nakahinga ako nang maluwag. Ayaw ko naman talaga masaktan siya. Ngayong mahal pa ni Shayne si Kris. Dumiretso kami sa parking lot. Tinungo namin ang car na dala niya. Una niyang pinagbuksan ng pinto sina Mommy sa backseat. Sa passenger's seat niya ako pinaupo. Kanina ko pa napapansin, panay ang ngiti niya sa akin.
Lalo akong namula.
> /// <
"Maam, bakit po kayo namumula? Masama po ba pakiramdam niyo?"
> /// > < /// <
Umiling-iling ako. Gosh! Nakikita niyang namumula ako. Nakakahiya. Pagtingin ko sa rearmirror ay nakita ko ang parents ko na nakangiti. Inaasar pa nila ako.
Buong biyahe ay hindi ko pinapansin si Gelo. Sina Mommy ay kinakausap lang siya.
"Iho, salamat at pinaalala mo sa amin na hindi kami masusundo ni Mang Cardo." Sabi ni Mommy sa kanya habang nakangiti.
"Wala ho yun. Ginagampanan ko lang po ang trabaho ko."
> /// < Lalo akong namula sa narinig ko. Bakit ba ganyan ka Gelo? Pinapakilig mo ko.
> /// <
Hindi ko na namamalayan, nakatulog pala ako.
"Maam, gising na po. Nasa mansion na po tayo."
"asdfghj..."
"Ano po? Maam gising na po. Hinihintay na po kayo ni sir Jimenez sa labas."
Nagising ako bigla sa sinabi niyang iyon. Ayaw ni Daddy na pinaghihintay siya. Dali dali akong nag-retouch.
Pinagmamasdan na naman niya ako. > /// <
"Huwag mo akong titigan ng ganyan." bulong ko sa self ko.
"Sorry maam kung tinititigan ko kayo. May dumi po kayo samukha."
WHAT!!! Bigla ako tumingin sa mirror ko. Ngayon ko lang napansin na may bakas ng chocolate sa gilid ng lips ko. Nang akmang pupunasan ko na ng hanky ko ang chocolate, bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. Inagaw niya sa akin ang hanky.
Nag-lean siya ng konti at gently niyang pinunasan ang lips ko. Tinitigan ko siya habang ginagawa niya iyon. I saw on his eyes are full of sadness. May kung anong problema siguro siyang pinagdadaanan.
After niyang gawin iyon, lumabas na siya ng car at pinagbuksan ako ng pinto. Napakagentleman naman niya. Bihira na sa panahon ngayon ang gentleman. Nang makalapit na ako kina Mommy, bigla niyang napansin ang reddish face ko. Natawa siya sa itsura ng face ko.
"Bagay kayo ni Gelo, anak. Hindi kami tututol ng Daddy mo sa magiging relasyon niyo." Pang-aasar ni Mommy. Si Daddy naman ay napakalapad ng ngiti niya sa akin.Naku! Naloko na. Planado ang lahat ng ito. Hindi ko din ipagkakailana baka magustuhan ko siya.
The way he acts and the way he looks at me ay nagbibigay ng ibang kahulugan sa akin.
Pagpasok namin sa gate, sinalubong na agad kami ng mga maids.
"Welcome back, Sir, Maam." Sabay-sabay nilang salubong sa amin. Napag-isip ko, kailangan ko na puntahan agad si Shayne.
Gusto malaman ang kalagayan niya ngayon. Pero bukas na bukas din ay ibibigay ko na ang pasalubong ko sa kanya at sa tropa.
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?