**Dedicated to Juean Gabule .. Ayan na ah! Sa'yo na yung CHAPTER 7 hahaha :) Thanks dahil kinikilig ka sa Gelo at Alwyna Loveteam hahaha :)
Sana maging kaklase ulit kita :) Para mabasa mo pa yung story ko :)
Enjoy reading guys :)
**************************************************************************************************
"Confession"
- Shayne's POV -
" Best!!! " Salubong ko kay Alwyna na ngayo'y nandito sa bahay.
" Grabe! Makayakap! Wagas? Hahaha " Sabi ni best sakin habang yakap-yakap ako.
" Sorry naman. Namiss lang kita eh! " Pagkakawala ko sa kanya. Napansin kong may dala-dala siyang isang paperbag. Kinuha ko sa kanya ang paperbag. Laking gulat ko nang makita ko ang laman. Tshirt, bag at keychain. I think galing Singapore.
" Para sa'yo iyan. Dahil Best kita kaya special ang pasalubong ko sa'yo. "
" Salamat ha! Thanks dahil nandyan ka. "
" Ano ka ba? Parang magpapaalam ka na niyan. Teka, bakit namumugto ang mga mata mo? " Napansin pala niyang kakaiyak ko lang. Kumuha siya ng panyo at ipinahid sa eyes ko. Sabay ngiti sa akin.
" Ano bang nangyari sa'yo? May nanakit ba sayo? " Pag-aalala niya.
>> << >>
" Wala, wala! May nakita lang ako hindi inaasahan kanina. "
Tinap niya ang likod ko. Binulungan niya ako na ikwento ko ang nangyari. Huminga muna ako ng malalim.
*Inhale. Exhale. Inhale. Exhale*
" Nasa Worlds of Fun kami kanina ng tropa. Habang hinihintay ko bumalik sina Renz at Kiara, nakita ko si Kris kasama ang new girlfriend niya. Nagkatitigan kami saglit. Sobrang sakit para sa akin nang makita ko sila. Sobrang sakit dito. (habang turo-turo ko sa chest ko). Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na kami. Bitter na kung bitter pero mahal ko talaga si Kris. Alam ko at alam natin ito."
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Pilit naman ako pinapakalma ni Best.
"So, anong balak mo ngayon?"
"Ipaglalaban ko si Kris. Babawiin ko kung ano ang akin."
"Shayne, dapat magmove on ka na. Nakikita mo namang masaya na si Kris ngayon sa new girl niya."
"Best, mahal ko talaga si Kris. Mahal na mahal. Kasalanan ko naman talaga kung bakit niya ako ipinagpalit."
"Oo nga't kasalanan mo, pero dapat naintindihan niya kung bakit ka nawalan ng time sa kanya."
"Iyon na nga, hindi man lang niya ako naintindihan. Hindi na niya ako hinayaang mag-explain. 1 month na pala niya ako niloloko. "
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Again, hinahayaan kong umagos ang luhang gusto kumawala sa aking mga mata. Tears of pain.
"Shayne, ilan beses ko bang ulit-ulitin sayo. Move on na! Huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay Kris. Magmumukha ka lang kaawa-awa. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Tumingin-tingin ka lang sa paligid."
"Pero - "
"Shayne, please. Dont put yourself down. Huwag kang mag-aksaya ng panahon kay Kris. Please, Im concern sa kalagayan mo ngayon."
Hinayaan ko lang si Best. Sinesermunan niya ako. First time niyang ginawa ito. Sinesermunan niya ako dahil sa pagpapakatanga ko. Tama naman siya. Huwag akong mag-ubos ng panahon kay Kris. Marami pa nga diyang iba. Pero, hindi ganoon kadali magmove on. Mahirap kalimutan ang alaalang sobra mong iniingatan.
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?