Penelope Ashley POV.
SOULS are spirits hidden within your body. It is where your passion screams. Able's you to strive the things you wanted in life. A hardcore design to motivate and inspires the will of your heart. But, how can I able to reach that dream if I'm the only one who's standing on the ground?
Lahat naman siguro tayo ay tinatagong lakas at katangian. Ngunit hindi lang natin pinapakita. Di dahil sa nahihiya tayo kundi umiiwas sa mga bunganga ng mga taong madaling maghusga sa kapwa nila.
"Pene, diba sumasayaw ka din?" Singgit ni Nica.
Bahagya akong napalingon sa kanya kahit na may pinag-uusapan kaming dalawa ni Zine. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba. Marunong akong sumayaw ngunit di ganun kataas ang kompansya ko sa sarili.
Lihim na napahugot ako ng malalim na hininga saka dahan-dahan na tumango.
"O-oo..."
"Ayun! May kaibigan kasi akong niyaya akong mag-audition sa Artians--"
"Artians? Ano 'yun?"
"Parang isang dance group. Cheer dancers. Diba marunong ka din mag-cheer dance?"
Ano ang sasabihin?
"H-ha? O-oo, siguro---"
"Nays! Yung Artians kasi binuo siya under La Salle mula sa Art and Science's nila. Opening nilang ngayon para sa mga bagong dancers na magiging part ng cheer dance group nila."
"Tapos?"
"Tapos kapag naging part ka ng Artians pwede kang kumita dahil may iba't ibang gig silang ginawa, kung saan binabayaran sila. Sabi pa nga nila, nung last year nagback-up sila sa isang artista. Diba ang cool dun?"
"HAHA! Talaga? Naol..."
"Naol talaga, Agi! Basta ganun 'yun. So, ano sa tingin mo?"
Wala akong ideya kung ano ang isasagot ko kaya pinasandaan ko ng tingin si Zine. Ngunit mukhang di naman siya nakaintindi o makasabay sa pinag-uusapan naming dalawa ni Nica.
"Gusto mo bang sumali?"
"H-ha? Ahm! I don't know..."
"Ba't naman? Sabay tayo. Dali na! Sali ka."
"Sira ka ba?! Nahihiya kaya ako."
"Bakit ako ba hindi?"
"Eh! Hindi ako sigurado. At panigurado papagalitan ako nina Mama. Ayaw na ayaw pa naman nilang sumasayaw ako."
"Oh! Paano na 'yan? Pero gusto mo hindi ba?" Nakipagbalikat lang ako sa kanya at mas diniin ang pagkakasandal ko sa upuan. "Dali na, Pene!"
"Ano? Hindi nga ako sigurado. Pwera na lang kung ikaw yung magsabi kay Mama tungkol doon."
"Sige! Ako bahala sa'yo."
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
General Fiction| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...