Devinmare Callie Abevara POV.
I don't know if I'm the only one who's wondering about something. Like, a lot of people around me, imagined of what kind of person they would meet if the right time came or what type of person they wanted to be by their side—a person who will hold their hands while walking down on a long road of hopes, smiling at each other's faces—a person who is by their side while watching the rain fall or calming each other's storms.
They even know exactly who they want. Like they have a certain person in mind—a person who is tall, clever, and has a good sense of humor. A man who is handsome and dependable; a woman who is gorgeous, mature, and romantic. While me, I was wondering if there was someone who was destined for me. If there is a designated person who will stay with me till I'm old—a person who will be my reason to wake up in the morning—a man who's making me feel special and a man who shows how much he loves me not only by his poignant words but also by his actions.
In short, I'm just curious if there's someone out there who is meant for me—not just someone who will come into my life just to introduce himself and let the moon be alone after all.
Inayos ko ang hawi ng aking buhok pakanan at inipit ito sa aking tenga ng makapasok sa loob ng kwartong ito. Ramdaman ko ang tensyon sa loob ng silid dahil sa hindi makurap kurap na mga matang nakatitig sa akin.
"Miss, Avebara!" pasigaw na tawag sa akin ni Miss Vallie.
Napaatras ako dahil sa takot bago pa man makaupo sa kanang bahaging upuan kung saan katapat namin si Mrs. Rizza. Ang guidance counselor ng paaralan.
Kahit saan ko 'ata ipirmi ang aking mga mata para iwasan ang nakakatakot na titig ng dalawang taong ito ay hindi ko parin maiwasang hindi sila tignan.
Kinapa ko ang dulong bahagi ng aking palda at hinawakan iyon ng mahigpit habang nakaupo sa upuan. Ang totoo nyan, kanina pa ako pinapatawag dito sa guidance office dahil sa nagawa kong aksidente. Nagtago ako sa CR para sana magkulong ngunit hindi ko matanggap na ipinag kanlulo ako ng aking kaibigan para mapunta sa apat na sulok ng kwartong ito.
"Ikaw nanaman, Devinmara?" aniya ng guidance conselor habang binubuksan ang malaking libro nito. "How many times do you have to come in here to find out how rude you are?"
"P-po?"
"Ikaw ba ang dumura?" She asked while looking at me. Ang mga kamay nito'y nakapatong sa binuksan nyang libro habang hinahangin naman ang kanyang buhok dahil sa hindi ko pagsara ng pinto ng makapasok sa office. They didn't give any attention to that.
"I'm. . . s-sorry, Miss Vallie." Yumuko agad ako sa takot matapos ang tanong ni Mrs. Rizza.
Hindi man direkta ang naging sagot ko sa tanong nya ay naintindihan na nito ang sagot ko dahil sa pagkamot nya ng ulo sabay ang malakas na pagbagsak nya ng libro sa lamesa na naging dahilan ng gulat naming dalawa ni Miss Vallie.
"Kabastusan ang ginawa mo, Devin! Hindi ka ba nadala sa huling pasok mo sa kwarto ko? Lagi ka nalang isinusumbong dahil sa mga ginagawa mo. At ngayon, sa teacher naman?" Halos mapatayo ang matanda ng pagsalitaan ako nito. Hawak ang pamaypay ay inihampas nya ito sa lamesa bago umupong muli sa upuan. "Nakakahiya ang ginawa mo!"
Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa hindi ko maiwasang marindi sa tinis ng kanyang boses at sa lakas ng kalabog ng mga bagay na mahawakan nya.
"I'm sorry," ang nasabi ko nalang habang nakapikit. "I. . . I did it. Ako po ang dumura, Mrs. Rizza. But. . . but, I had no intention of spitting on her head, po." depensa ko habang nakapikit parin. Taas ang balikat at kuyom ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
General Fiction| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...