Sky Ranch

43 4 0
                                    

Vivienna Kyrie Hendriz POV.

Cinderella, she asked for a night off and a dress but she never asked for a prince. When the time they had each other. The prince never knew her name. He even tried to stop her but their fairytale won't be more enchanted. If in that very moment one pair of a glass slipper fall off. She never bother herself to pick it up nor look back. 'Cause if she does? She would not have become a princess. But on my own Cinderella Story I am not Cinderella. I'm more like Prince Charming that my Cinderella run off a night and left me with miracle. There's no shoe nor glass slipper fall off from him. But a single word that can't came off from my mind. 

Wala akong ibang magawa sa bahay at naiimberna na din kaya napagdesisiyonan kong gumala mag-isa. Di naman ako natatakot dahil kadalasan umaalis akong mag-isa lang. Lalong-lalo na kapag may gusto akong bilihin. 

Pagdating ko sa Mall halos parang gusto kong sumigaw sa saya ng makaramdam ng lamig. Sobrang init sa labas habang papunta pa lang ako dito. Ang siksik din kanina sa jeep. Kung pwede ko nga lang takutin yung mga kasabay kong mga pasahero, ginawa ko na. Ngunit ayaw ko naman mawalan ng belt. Pinaghirapan ko kaya 'yun. Tapos kukunin lang dahil sinaway ko ang pinagbabawal na batas bilang isang taekwando player. 

Kanina pa akong naglilibot pero para akong tanga na hindi alam kung bakit nga ba ako nandito. Kainis! Ba't kasi ang boring doon sa bahay? Wala din naman akong ibang maisip na gawin. Kung hindi ako umalis baka nasiraan na ako ng ulo. 

Mayamaya bigla akong napadaan sa national bookstore kaya sandali akong pumasok doon. Wala akong dalang malaking pera para makabili ng mga libro nandito. Tingin-tingin na lang siguro ako ngayon. Saka ko na lang bilhin yung mga nagustuhan ko sa susunod na pagpunta ko dito. Para akong kawawang bata. May nakita akong isang libro akong at talagang nagustuhan ko yung blurb niya. Ang kaso wala nga tayong pera. Ba't ba ang tigas niyo? Aakto na lang kaya akong umiiyak dito. Bakasakaling may maglilibre pa sa'kin ng isang good samaritan. Aba! Di lang natin alam baka epektibo kung gagawin ko 'yun.

Of course I didn't do it! I'm not that really crazy. I am crazy but not that crazy crazy! 

Tumagal ako ng mga ilang oras sa pagtitingin-tingin hanggang sa napagdesisyonan kong lumabas. Ngunit tamang-tama din na nakaramdam ako ng pagkagutom kaya naghanap-hanap ako ng makakain. Gusto ko sana kumain ng fries pero parang wala sa lasa ng bibig ko ngayon. Nag-isip pa ako ng ibang pwede makain habang naglalakad at patingin-tingin sa buong paligid pero nakuha ng atensyon ko ang Starbucks. 

"Mmmm! Magco-coffee na lang siguro ako." wika ko sarili.

Agad kong tinahak ang daan papunta doon at pumasok sa loob. Saglit pa ako tumayo sa kalayuan mula sa counter para tignan yung menu nila ngayon. At nang makapili lumapit din naman ako kay Ate na naghihintay sa'kin. 

"Good afternoon, Ma'am. May I have your order please."

"Miss, isa ngang Caramel Frappucino."

"Any add ons?"

Mag-aadd ons pa ba ako?

"Wala na po."  direkta kong tugon.

Nakangiting tumango siya saka piniplug yung order ko sa computer kaharap nito. Kumuha naman ako ng pera mula sa kawawa kong wallet at nilapag sa counter para iabot sa kanya. Nang maibigay din niya ang resibo sandaling umupo ako sa  isang tabi para hintayin yung inumin ko.

Kaagad akong lumabas ng coffee shop ng makuha yung binili kong inumin. Ngunit ganun na lang din ang gulat ko ng paglabas ko sa likod ng Mall wala na palang araw. Grabe! Ang bilis naman ng araw ngayon! Bumaba kaagad yung araw. Di man lang ako hinintay. Eh di sana nakipagbabye pa muna ako sa kanya. Ang atat naman ng isang 'yun. 

SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon