PART 3
Pariesha Akiel Aruviera POV.
Maaga nga siyang umalis ng bahay habang ako napaiwan. Tulad sa pinag-usapan namin. dito na ako mag-aaral sa sariling tahanan. Kaya ngayon, kasalukuyang nakaupo ako sa isang couch na nasa office ng bahay. Hinihintay kong makapaghanda si Gryffin sa mga materyales niya para sa pagtuturo.
Tumagal 'yon ng mahigit apat na oras at huminto lang ng makaramdam ng gutom. Sabay sana kaming tutungo sa kusina ng bigla ring pumasok ang isang kasamabahay habang may dalang tray na punong-puno ng pagkain. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Gryffin ng isa-isang nilalapag ang mga masasarap na pagkain na iyon sa harap namin.
Naging mabilis lang rin naman para sa'kin ang tinuturo niya dahil masyadong pamilyar ang mga terminologies na ginagamit niya sa pagtuturo. Atsaka palagi akong advance sa pag-aaral dahil kina Mom at Dad. Subalit habang tumatagal na patuloy ito sa pagsasalita sa harap ay hindi ko maiwasang isipin ang mga magulang. Ilang araw palang akong malayo sa kanila ngunit namimiss ko na sila. Parang gusto kong makasama sila ulit. Lalong-lalo na si Dad. Mas malapit ang loob namin sa isa't isa dahil sa kanya ako lumaki.
"Pariesha, naririnig mo ba ako?" Bigla akong natauhan sa tinig ni Gryffin.
"H-ha?" pagtataka ko.
Ibinaba nito ang hawak na bondpaper, "Hindi ka nga nakikinig sa'kin."
"I-I'm sorry..."
"It's okay. Naiinitindihan kita."
"T-thank you." naiiyak kong anas. "A-ano ba yung sinasabi mo?"
"Ayos lang ba kung bibigyan kita ng takdang-aralin?" Sabay pakita niya ng bondpaper sa harap ko.
Magsasalita palang sana ako ng pareho kaming napalingon sa pintuan ng opisina.
"Pasensya ka na, Sir Gryffin ngunit hindi niyo po pwedeng bigyan ng takdang-aralin si Miss Akiel. Pinagbibilin po iyon ni Sir Trawin sa amin." paliwanag ni Kuya Ben, ang personal driver ni Trawin.
"G-ganun po ba?"
Napabaling ako ng tingin kay Gryffin at bahagya na itong napayuko. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam na ramdam ko ang hiya nito sa amin. Umiling-iling na lang ako saka dahan-dahan na tumayo. Maingat din akong humakbang papalapit sa kanya bago ilahad ang kamay. Punong-puno naman ito ng pagtataka sa kung ano ang nais kong ipahiwatig. Ngunit ng makita niyang nakatingin ako sa hawak niyang papel ay nanginginig itong inabot sa'kin.
"Miss Akiel, hindi po kayo pwedeng tumanggap ng kahit anong takdang aralin. Mapapagalitan po tayo ni Sir Trawin." paalala ni Kuya Ben.
"Huwag kayong mag-alala. Tatapusin ko ito bago pa man siya makauwi. At sisiguraduhin ko din hindi niya ito malalaman."
"Subalit, Miss Akie---" Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin ng umiling-iling na ang ulo ko.
Pagkatapos ng pagtuturo ni Gryffin sa'kin ay agad rin naman siyang umalis. Saglit naman akong umidlip dahil sa pagod at sa pag gising ko'y madilim na ang buong paligid. Umiikot pa ng kaunti ang paningin ko ng dahan-dahan akong bumangon. Mabuti na lang at bigla akong inaalayan ng isang kasambahay. Tinatanong pa niya kung maayos lang ba ako ngunit tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Ngunit kahit na sinabi kong maayos na ang pakiramdam ko ay tinulungan pa rin niya ako hanggang sa paghatid sa loob ng kwarto ko sa taas. Medyo nahihiya pa ako sa kanya dahil kahit sa pagligo ko'y kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
General Fiction| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...