Ethemievanna Cazirel Ymarez POV.
What is the difference between best friend and having your childhood? Might others say it is way better to have your best friend than bring back your childhood memories. But what if the past is the one that is holding you back? The one who made you into the person you are right now. Childhood is memories of the past, this is where do innocence came but an enormous year to be remembered. It's where you met someone that you thought it would stick to forever, but do they?
Ang sarap kaya sa pakiramdam na sa pag gising mo s aumaga, malalaman mong bakasyon na. Kung iisipin halos sampung buwan tayo namamalagi sa loob ng paaralan. Sino nga bang hindi gugustuhin ang bakasyon? Yung tipong kakasimula pa lang ng klase iniisip na agad natin ang mga pwedeng mangyari kapag sasapit na naman ito ulit.
Hindi ko alam kung anong oras na ngunit di ko pa rin magawang ipikit ang mga matang kong ito. Kanina ko pa pinipilit ang sariling matulog pero mukhang aabutin ako ng ilang taon, hindi talaga ako makatulog. Gustong-gusto ko na ngang magmura ngunit baka may matanggap akong sampal ng wala sa oras. Kaya kahit gaano kahirap ipinikit ko na lang ang mga mata kong ito at hinayaan ang sariling lamunin ng dilim.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Liwanag ng ilaw sa kwarto naming ni Ate ang agad na nakita. Bahagya akong napatakip ng kumot para matulog ulit. Ngunit lumipas ang ilang Segundo ay agad din akong napabangon sa pagkakahiga ng marinig ang boses ng mga kalaro kong naglalaro na sa labas ng bahay namin. Kahit wala pa akong ayos at ligo, ay tumakbo na ako palabas ng bahay saka pinanuod ang mga ito na naglalaro. 'Di ko na sila kailangang tawagin dahil kaagad nila akong napansin na nakatayo sa bukaan ng gate namin.
"Cazirel! Tara laro tayo!" yaya ni Avery sa'kin.
"Hep! Teka! Kumain at maglinis ka muna ng katawan bago ka diyan makipaglaro sa kanila." biglang pigil ni Mama. "Oh! Huwag ka nang matikas ng ulo diyan."
"UHUH! Sandali lang, Ave. Mag-aayos lang ako ng sarili. Tatawagin na lang kita sa bahay niyo baka sakaling kakain ka din ng almusal niyo."
"HAHA! Sige! Sige! Walang problema iyon sa'kin."
"Hintayin mo ko ha!"
Di na ako nag-aksaya ng panahon at kaagad na akong kumilos. Isang mabilis na almusal ang ginawa ko saka pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na kaagad ako kina Mama na maglalaro na ako sa labas. Wala pa man din akong naririnig na sagot ay tumalikod na ako at mabilis na tinakbo ang kabilang bahay para tawagin si Avery doon.
Tamang-tama rin at kakatapos niya lang kumain ng agahan niya. Masiglang niyaya ko rin naman siyang maglaro kahit na dalawang taon ang tanda nya sa'kin. Halos buong araw na kaming naglalaro pero parang hindi kami napapagod. Marami-rami na rin ang nagawa naming laro, kahit yung mga mas nakakabata sa'min ay nakikisabay na rin. Nang mag tanghalian ay saglit pa muna kaming kumain at nagpahinga bago napag-isipan na tumambay sa taas ng puno ng langka.
"Ipagawa kaya nating tree house 'tong langka na'to?" wika ni Avery
"Napag-isipan ko nga rin iyon e. Pero baka magalit sina Mama't Papa sa plano natin. May mga langka pa naman na nagbubunga rito"
"Pilitin mo kaya sila."
"HAHA! Samahan mo ko? Kung sasamahan mo naman ako. Aba! Game na game ako diyan."
"Lah! Ba't kailangan mo pa ako isama?"
"Sino ba ang may gusto?"
"Tayong dalawa."
Hahampasin ko na sana siya sa balikat ng maalala kong nasa taas pala kami ng puno.
"Andami nating ambisyon sa buhay, baka di na natin maabot 'yun ha."
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
Fiksi Umum| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...