Embracing Inferno

67 2 0
                                    

PART 1

Pariesha Akiel Aruviera POV.

I knew something was wrong when you watched me cry over something you had done and you didn't even flinch. You didn't attempt to apologize. Not where you remorseful. Instead, you carefully twisted it around to be my fault. Others said love is blind and love can be foolish. Our heart doesn't always love the right people at the right time. Sometimes we hurt the ones who love us the most and sometimes we love the ones who don't deserve our love at all.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang kinumbensi si Mom tungkol dito. Gusto ko nang bumalik sa Canada pero parang ayaw na niya akong paalisin dito sa Pilipinas. Sampilitan lang naman niya akong kinuha mula kay Dad dahil kailangan nila akong ihanda sa haharapin kong mga responsibilidad sa kompanya.

Ayaw na ayaw ko talagang mag-isang pumasok sa loob ng campus, dahil naglalakad pa lang ako patungo sa classroom. Halos hindi na mabilang ang mga matang nakatitig sa'kin. Ni hindi na nga ako nagpapahatid sa driver ko dito mismo sa tapat ng building. Baka hindi lang tingin ang matanggap ko mula sa kanila dahil paniguradong pupunuin nila ako ng samot-saring katanungan. Simula pa naman nung araw na dumito ako nag-aaral. Walang kahit sinong estudyante ang nakakaalam sa totoong pagkatao o libel ng pamumuhay na meron ako. Isang napakaswerteng buhay nga ang meron ako ngunit ayaw kong ipagyabang iyon dahil hindi ganun ang itinuro at pagpapalaki ni Dad sa'kin.

Di ko alam kung gaano katagal ang ginawa kong paglakad patungo sa classroom. Ni hindi ko nga alam kung sino-sinong guro ko ang bumati sa'kin habang naglalakad dahil sa buong paglalakbay ko sa silid ay nakayuko lang ang mga ulo. Ayaw kong tumingin sa mga taong ayaw rin sa'kin. Ngunit liliko na sana ako papasok sa classroom ng bigla akong nabangga sa pader. Tatlong hakbang pa pala ang kakailanganin ko para makapasok sa pintuan pero lumiko na agad ako. Hiyang -hiya akong napatingin sa mga taong nakatingin at tawang-tawa sa nakita.

Lihim na napalunok ako ng sariling laway saka nagmamadaling pumasok sa loob ng silid. Kung minamalas ka nga naman, sumobra pa ako sa upuan kaya sa sahig ang bagsak ko. Napuno ng samot-saring tawanan ang buong silid dahil sa nangyare.

"Anak ng —Akiel! Anong kalampahan na naman ito?" Maingat akong napaangat ng tingin sa nag-iisang kaibigan ko at ganun na lang din ang pamewang niya sa harap ko. "Tumayo ka nga diyan! Hai naku! Pwede ba kahit isang araw, huwag ka naman maging tanga?" Inilahad nya ang kamay nito na agad ko namang kinapitan.

"Thank you..."

"Tsk! As always."

Umayos na ako sa pagkakaupo at umupo rin naman siya sa tabi ko.

"Ito na pala yung libro mong hiniram ko." anas ko.

"Salamat naman at napag-isipan mo pang ibalik 'to sa'kin."

"Kung pwede ko lang sanang angkinin 'yan e."

"Huy! Aruviera! Wala ka bang awa sa'kin?"

"Ba't naman ako maawa? Dapat ikaw nga yung maawa sa'kin." Mabilis pa sa alas kwartong hinampas niya ako ng libro sa ulo dahilan para mapadaing ako ng mahina sa sakit. "Ba't mo ginawa 'yun? Napakasavage mo, Kaitleen!"

"Hindi talaga kita maiintindihan. Ang yaman-yaman ng pamilya mo pero bakit nanghihiram ka pa ng libro sa iba? Sa pagkakaalam ko, halos ilang square meter yung laki ng library niyo sa mansion." suspekta niya habang nakahawak pa sa baba.

SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon