Savarenity Xylon Madden POV.
Our souls have been waiting for lifetimes for our hearts to finally meet someone who deserves it. Sometimes two souls doesn't find each other by simple accident. We all want that person who makes us calm and crazy. A person that we called 'Soul Mates' . But soul mates is not about someone who completes you. It's the one who inspires you and seeing him as yourself too.
I've been dreaming and wishing about my soul mate. Every night I never stop praying for him to come. I'm dying to meet that person but seems he's so faraway. Maybe, he needs me to pull him closer. So he can stand right next to me.
Minsan ko talaga mapigilang mainggit sa mga kaibigan kong may mga jowa na. Kadalasan kapag magsama-sama kaming lahat palagi akong naiiwan sa isang tabi dahil halos lahat sila may mga jowang kasama. Hindi naman siguro ako minamalas sa pag-ibig. Siguro sadyang pinaghahawakan ko ang salita ng Diyos na dadarating din siya sa tamang panahon.
Nasa tapat na ako ng isang shop kung saan napag-isipan nilang uminom na naman ng kape. Di ako mahilig uminom ng ganung klaseng inumin pero dahil mahal ko sila. Pupuntahan at sasamahan ko pa rin ang mga ito. Nakangiti pinasalamatan ko si Kuya Guard sa pagbukas niya ng pinto para sa'kin. Pagpasok kaagad hinanap ng mga mata ko kung saan silang lahat nakaupo. Hindi din nagtagal nakita ko sila sa dulo nag-uusap kaya naglakad na ako papalapit sa kanila.
"Ba't ngayon ka lang?" bungkad ni Aimee sa'kin.
"Pasensya ka na, kamahalan. Malayo pa kasi yung bahay ko kaysa inyo. Pinapaalala ko lang."
Umupo na ako sa tapat nilang dalawa at nilapag yung bag sa gilid ko. Ngunit bigla ako napagtaka kung bakit hindi pa rin sila umorder ng kape o kahit pagkain man lang habang hinihintay ako.
"Teka! Ba't hindi pa kayo umorder? Akala ko ba iinom na naman kayo ng kape?"
"Hinihintay ka pa kasi namin, Inday!" tugon ni Myra.
"Bakit pa nga ba ninyo ako hinintay? Ayos lang naman kung mauuna kayong umorder. Magfa-follow up lang naman ako nun."
"Aba! Simpre! Kailangan. Baka kapag nauna kaming kumain. Pagdating mo palang siguro ubos na namin lahat ng mga pagkain."
"Oo nga, Ren."
"Pinagtutulungan niyo ba ako?" sabay abot ko ng menu.
"Hindi naman. We just stating the fact here. Masama ba? Atsaka pinagplanuhan talaga naming hintayin ka. Naghihintay kasi kami ng libre."
Mabilis pa sa alas kwartong binitawan ko ang hawak na menu at dumiin sa pagkakasandal sa upuan. Pinalakihan ko silang dalawa ng mata pero pinagtawanan lang nila ako. Kung marunong lang taka ako magtaray. Ginawa ko na.
"HAHA! Ba't gulat na gulat ka?" anas ni Aimee.
"The heck! Sino pa nga ba hindi magugulat kung ganun pala yung pakay ninyo sa'kin dito?!"
"Minsan na nga lang kami humihingi ng blessings. Andamot mo!"
"Not me, Girls! Not me!"
"Sige na, Ren! Kahit kami na doon sa Coffee namin. Ikaw na yung bahala sa pagkain."
"Ha? Teka! Sandali! Magkano lang 'yun Coffee ninyo?" Muli kong inabot ang menu at mabilis kong hinanap yung palagi niyang iniorder na kape. "Huwag! Lah! Ni hindi nga ito nangalahati sa magagastos ko."
"It's okay. Rich ka naman."
"Anong rich ka diyan?! Sapakin kaya kita. Wala akong malaking pera dito." bigla nila akong sinamungitan saka bahagya pang sumandal sa kinauupuan at umaktong nagtatampo. "Tigilan niyo akong dalawa. Paghatian natin yung presyo ng mga pagkain."
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
General Fiction| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...