PART 2
Pariesha Akiel Aruviera POV.
Alam kong punong-puno ang isip ko sa kaba, takot, at pagsisi. Ngunit kahit pilitin ko mang kalimutan at baliwalain, di matatangging niluluko ko lang ang sarili. Maaaring mawala nga pero hindi mawawala ang pakiramdam na naidulot nito.
Wala ako sa sariling nakahiga at nakatitig sa kisame ng kwarto. Mabigat na mabigat akong tumagilid ng higa at wala sa sariling napapikit ng madiin. Sa puntong iyon, damang-dama ko na naman ang bawat pagtibok ng puso ko. Isang mahabang buntong hininga din ang nagawa ng maalala ang nangyari nung nakaraang tatlong linggo, kaya marahas akong napakuom ng kamay at muling nagmulat.
What I have done?
Mayamaya pa ay may narinig akong pagkatok ng dalawang beses sa pinto ko at ang pagbukas-sirado din nito. Hindi ko na kailangan alamin kung sinong tao ang pumasok sa kwarto ko dahil mahigit tatlong linggo na din naman niya akong kinukulit kung maayos lang ba ako. Ni pinipilit nga din niya akong lumabas sa sariling silid. Ngunit sadyang ang hina-hina ko ngayon.
"Aren't you going to school?" hindi mabilang niyang pangungulit sa'kin.
Umayos ako ng pagkakahiga at muling tumitig sa kisame. Umiikot na naman yung mundo ko sa hindi nalalamang dahilan, kaya marahas akong napapikit sabay hugot ng malalim na hininga.
"N-no..." nauutal kong tugon.
"Tsk! Akiel, can you please tell me what's going on with you?"
"Dad, I'm okay. Please let me rest---"
"I did! I let you rest for almost 3 f*cking weeks. You making me worry about you. I'm your dad and you can tell me if there's something bad happened to you." napipikon niyang sabi.
Kung ganun lang sana kadali, Daddy...
"I-I just can't go to school."
"Why? Are they bullying you?"
Bigla akong napatingin sa kanya at mabilis na napaupo sa higaan. "W-who told you that?"
"Akiel, I'm Aruviera and you are my daughter. They cannot hide all their devil works towards you. I can't just let them hurt my own child. You are the only heir of my own possessions. And soon, they will remember your name."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at maingat na napasandal sa headboard. Naramdaman ko din naman ang paghakbang niya papalapit sa kama. Matagal pa bago niyang napag-isipang umupo sa paanan ko saka hinaplos ang kamay kong nilalamig.
Sa pagkakataon na iyon ay muli akong napatingin sa kanya saka tinitigan ang tatay kong punong-puno ng pag-alala para sa'kin, dahil wala man lang siyang ideya kung ano ang nangyari sa'kin nung gabing iyon. Di ko sinabi kahit kanino dahil kahit ako ay naiinis at nagagalit, kung bakit ba kasi nangyari iyon. Bakit kasi kailangan ganun? Bakit dapat mangyari iyon sa'kin? Hindi ko iyon ginusto pero sadyang may kung ano silang inilagay sa alak na iyon. Alam kong ako yung may kasalanan sa aming dalawa kasi ako yung nauna. Ngunit ano ang magagawa ko dahil baka sa gamot na inilagay nila sa inumin na iyon.
He's a Trawin and he curse me to hell because he looks at me like his ex-girlfriend.
"I called someone." biglang wika niya.
"H-ha? S-sino?"
Please, no....
Hindi siya nagsalita at nanatili lang itong nakatitig sa kamay kong hinahaplos niya. Mayamaya pa ay binalingan na niya ako ng tingin saka buntong hininga.
BINABASA MO ANG
SINGULAR (Self Published under Athenaeum Department of StarsIgnite24 Filters)
General Fiction| COMPLETED | Singular always defined as something considered by itself. It is always known as being separated when compared to an individual. And always make you believe that you do not have potential. To find someone because in the end, it is...