Chapter 1

30 3 0
                                    

Chapter 1
One

Tila napapaso ang aking mata sa maliwanag na bagay na hindi ko naman lubusang matanaw.

Napagalaw ako sa aking hinihigaan at bahagyang dinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang anyo ng isang lalaking 'walang suot na pang-itaas na nakatalikod at tinatanaw ang buong syudad sa malaki at babasaging bintana.

Damn, what a view. I must be dreaming...

Pinikit kong muli ang aking mata at sinubukang bumalik sa pagkakatulog.

Whoever the hell is that, he's got a toned body. Mukhang masyadong maalaga sa sarili dahil mahilig sa gym. Talagang...

Wait... What? Who... the hell... is that?!

Agad akong napadilat at napalakas ang tibok ng puso dahil sa nakitang lalaki. Andito pa rin siya! Does that mean that I'm not dreaming?!

Naramdaman ko agad ang kirot sa ulo ko ngunit pinilit ko pa rin na igala ang tingin ko sa buong kwarto. I am currently inside an unfamiliar room with a complete stranger! Not to mention that I am lying in bed!

Tinaas ko ang kumot na nakataklob sa akin at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman kong 'wala akong suot na damit. Mabuti nalang at mayroon naman!

"Good morning."

I was astonished by the sudden musculine voice of the man. Nakaharap na sa akin ang lalaki ngayon kaya kitang-kita ko na ang itaas na bahagi ng katawan niya, kaya naman pinilit kong ituon nalang ang tingin sa kaniyang pamilyar na mukha.

He sipped on his cup of coffee and gazed at me amusingly.

"W-Where am I?" I asked.

Binaba niya ang kaniyang iniinom sa lamesa bago sumagot, "At the bar's VIP room."

Pinagmasdan ko nang maigi ang mukha niya. His face is quite familiar... Hindi ba't siya yung muntik ko nang masagasaan kahapon? Papaanong napadpad ako sa iisang kwarto kasama siya?

Kinuha niya ang isang baso ng tubig at gamot na nasa lamesa bago lumapit sa akin.

"Drink this to ease your hangover," he said as he handed me a bottle of water and a supplement.

Dahan-dahan ko iyong tinanggap mula sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko kaya naman ay napilitan akong inumin ang gamot. Kinuha niya muli sa akin ang gamot at baso pagkatapos bago muling tumalikod siya sa akin at lumayo.

"Don't you have a bag or wallet? I couldn't send you off to your condo as it seems like you don't have any I.D. or phone with you."

"Condo? How did you know?" I asked suspiciously.

He looked at me, "You told me last night."

I did? What else did I say then? And what are the hilarious things that I did, too? I have to keep my focus! What the hell happened last night anyway?!

Nanlaki ang mata ko nang maalalang kasama ko pala ang mga kaibigan ko kagabi at naiwan ko sa table namin ang bag ko! I have all of my important belongings inside it!

"I have... pero naiwan ko sa mga kaibigan ko... I forgot about it."

Mariin kong pinikit ang mata ko nang maramdaman ko muli ang sakit sa aking ulo na kumikirot. Unti-unting naglabasan ang mga imahe sa likod ng aking utak. Ang ingay ng musika. Ang tawanan ng mga tao. Ang iba't-ibang uri ng alak na nasa lamesa at kamay ng iba't-ibang grupo ng tao na nakataas sa ere. Ang mukha ng lalaking hindi ko nais maisip... At ang... dampi ng labi.

Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon