Chapter 2
Fling"I had fun! Thank you!"
Lumapit sa akin si Johan at bahagyang hinalikan ang pisngi ko. I smiled at him before taking off my seatbelt. Kumaway ako sa kaniya nang makalabas na ako ng sasakyan niya at hinintay na paandarin niya ang kaniyang sasakyan.
"Date ulit tayo some other time."
I smiled at him, "Sure! Ingat ka!"
Sinarado niya na ang bintana ng kotse niya at nagsimula na ring umalis. Hindi ko na hinintay na makaalis siya ng tuluyan sa paningin ko dahil pumasok na ako sa loob ng condo.
Medyo siksikan pa sa elevator pero maigi at nakasingit naman ako kahit papaano. Nang makarating ako sa room ko ay hinubad ko agad ang aking 2 inches heels at hikaw na suot.
Saktong kakatapos ko lang maghilamos ay nag-ring naman ang phone ko. Ylanais is calling me. I answered it right away and put it on speaker mode.
"What's up?"
"Hey, where are you?" Narinig ko na medyo maingay ang nasa background niya sa kabilang linya.
"My condo. Kakauwi ko lang. Why?" Pinatay ko ang gripo at nagpunas ng mukha gamit ang towel na nakasabit.
"Mabuti naman. On the way na kami ngayon."
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Kami? Bakit?"
"Seven kami. Nagyaya silang tumambay dahil first weekend raw as freshmen, baka hindi na raw ulit magkaroon ng maraming time sa susunod," aniya, "Dapat sa bagong condo ni Archalea kaso ayaw ng loka."
"May peste sa condo!" Rinig kong reklamo ni Archalea. Marahil ay magkakasama na silang lahat ngayon?
Narinig ko pa ang pagtatalo ng ilan sa kanila. Nang medyo tumigil na sila ay saka ako nagsalita.
"Oh siya sige na! Magsabi nalang kayo kapag nasa building na kayo."
"Alright. See you!"
Binaba ko na ang linya para makapagpalit na ng damit at inabala ko nalang ang sarili sa pagtitingin sa phone habang 'wala pa ang mga kaibigan.
Hindi rin naman nagtagal ay may natanggap na akong text mula kay Jacintha na nasa baba na raw sila. Nang may kumatok sa pinto ay pinagbuksan ko agad at natanggapuan ang tatlong kaibigan.
"Oh? Akala ko magkakasama na kayong pito?" Tanong ko nang makita na si Katasiah, Erylana, at Jacintha palang ang pumasok.
"Kami lang ang nakisabay kay Ery. Magkakasama ang apat sa sasakyan ni Ylana," sagot ni Jacintha bago ako lagpasan.
Naghubad ng jacket si Katasiah at umupo sa sofa. Humiga naman agad si Erylana sa binti niya. At si Jacintha ay pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom sa refrigerator.
Sinarado ko ang pinto at umupo sa katabing sofa, "Ano bang meron? Maigi at maaga ang uwi niyo ngayon."
"First week pa lang naman sa college kaya hindi pa ganoon ka-busy," Jacintha answered.
"Agree. And P.E. lang din ang klase ko every Friday," sagot naman ni Katasiah, "Ikaw? Hindi ba half day ka nga lang pala tuwing Biyernes?"
"Yup. Lumabas ako kasama si Johan noong natapos ang klase kaninang tanghali."
"Who's Johan?"
Hindi pa ako nakakasagot kay Erylana ay inunahan na ako ni Katasiah, "Let me guess... Your new fling?"
Ngisi pa lang ang nagagawa ko ay inirapan na agad ako ni Katasiah habang si Jacintha ay aligaga na sa kwento ko kaya umupo na agad sa tabi ko, at si Erylana naman ay natatawang nakikinig sa usapan namin.
BINABASA MO ANG
Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)
DragosteIsn't it satisfying when you get to hold the things that you love without even wasting your efforts and time? Nonetheless, how far can you go if things are not going your way anymore? As someone who's as bold, carefree, and firm as Ryamara Tessa Al...