Chapter 10
ChancePinilit kong makisama sa mga pinag-uusapan nila kapag kami na ang tinatanong. Pero kapag hindi naman ay tahimik lang kaming dalawa ni Vaundrick, kung minsan ay nagbubulungan nalang ng mga bagay na wala namang relasyon sa pinag-uusapan ng mga magulang.
Kung minsan pa ay pa-irap-irap pa siya sa akin dahil sa naririnig naming pag-uusap ng mga ama namin patungkol sa kasal namin.
Palihim ko siyang siniko ko at lumapit kaunti sa kaniya para bumulong, "Pretend."
Hindi niya ata makuha agad.
Lumingon ako sa tatlong ka harap at nakitang hindi naman sila nakatingin sa amin. Pinanlakihan ko ng mata si Vaundrick sa gilid ko. "We have to pretend... About this set-up..." I whispered firmly at him.He clenched his jaw before drinking his wine. Magsasalita pa sana ako pero tinawag ako ni papa.
"What do you think, Ryamara?"
Kabado akong napalingon sa kanila. "P-Po?"
"We were just talking about your wedding. What motif do the both of you like it to be?"
Wedding? Already?
"I... I don't think we're ready for that yet."
Nagkatinginan kami ni Vaundrick. Tinama ko ang tuhod ko sa hita niya para makapagsalita siya.
He sighed, "We don't want to rush our wedding, Sir. It's too early po."
I nodded and felt a relief because of his response.
Vaundrick looked at me before adding, "I want Ryamara to finish her studies and do all her plans in life before settling with me. I don't want her to feel any kinds of pressure from me."
Napatingin ako sa kaniya pabalik. Tila natutuwa na nagawa niyang makaisip ng ganoong klaseng pagdadahilan. Miski ako ay mapapaniwala na totoo ito.
"Please drop the Sir. You can call me dad, papa, or whatever you like." Papa chuckled. "And of course, we will let you both finish your college degrees first. Naisip lang namin na kung sa parehong taon ba ng graduation ni Ryamara ay nais niyo na agad magpakasal o sa sumunod na taon na? Dahil kung kami ang tatanungin ay mas ayos sa amin kung sa lalong madaling panahon."
"Oh, I can already see the faces of my grandchildren! They would probably look good!" Nabigla ako sa nasambit ng ina ni Vaundrick.
"Mom, I said we don't want any pressure. Hindi pa ho kami ikinakasal." Sa tono ng boses ni Vaundrick ay alam kong hindi niya iyon nagustuhan.
Hindi ko na siya napigilan sa ganoong klase ng pananalita dahil nagtawanan lang ang mga matatanda na akala mo ay nagbibiro lang talaga si tita at pinatulan lang namin ito ni Vaundrick.
Hindi ko mapigilan ang manlumo. I don't have any plans of bearing a child yet. Hindi ko pa nga lubusang naiisip kung makakaya ko bang magluwal ng isang sanggol. Sure, I have the capability to have one, but I don't think I am strong enough for that kind of responsibility. May it be now or in the future. I still don't know yet. And to think that they're expecting me to have one already makes me feel uncomfortable.
Nang mag-usap muli sila papa patungkol sa amin ni Vaundrick ay hindi ko mapigilan na sumabat.
"Uh... Pa?"
May ngiti pa sa mata niya nang bumaling siya sa akin dahil sa diskusyon nilang dalawa ni tito. "Yes, Ryamara?"
I bit my lip before proceeding, "Can we please keep this private for now?"
BINABASA MO ANG
Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)
RomanceIsn't it satisfying when you get to hold the things that you love without even wasting your efforts and time? Nonetheless, how far can you go if things are not going your way anymore? As someone who's as bold, carefree, and firm as Ryamara Tessa Al...