Chapter 13

23 1 0
                                    

Chapter 13
Dream

"Purification of an Impure Acetanilide Sample by Recrystallization, Melting Point Determination..."

I listened to our professor as she discusses the final lessons and reminders in regards to the laboratory activity that we have conducted earlier. Pinamigay din ang quiz namin sa chemistry na ni-take last meeting. Kabado pa ako nung una pero nang makita ko kung ano ang score ko ay halos mangisay ako sa kilig.

"Congratulations, Ms. Alvez. Only you got a perfect score. Keep it up, hija."

I smiled widely at my professor when she handed me my paper with a 50/50 score, "Thank you po."

Halos mabali ang ulo ng mga katabi ko sa magkabilang side sa pagsilip nila sa papel ko.

"Angas! Iba ka talaga, lodi!"

"Sana all! Ito na ata pinaka-highest kong nakuha sa subject na 'to tas 10 mistakes pa!"

Natawa ako kay Rob at Haidee. Pinuri pa nila ako at inungkat pa maging ang mga nakaraang scores ko sa mga naunang pagsusulit. Halos matataas din at almost perfect kung susumahin.

"Tama na nga kayo, lumalaki na ang ulo ko," pagbibiro ko sa kanila.

"Grabe nga 'yan si Ryamara," napatingin kami kay William na sumali sa usapan, "Kaya naiinlab utol ko sa'yo eh."

"Loko," nginisian ko nalang ang biro niya sa akin.

"Kumusta na pala kayo? Matino ba siya? Mutual understanding na ba?" 

Inilingan ko lang siya at nginisian. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Tinawanan niya lang ang reaksyon ko bago umalis sa tabi namin para pumunta sa kabilang grupo na nagkakagulo tungkol sa kanilang scores na nakuha.

I prefer not to comment about that yet. Dahil sa tanong niya sa kaibigan niya ay naalala ko na mamaya nga pala ulit kami magkikita ni Jarson. I guess I'm quite busy for this day dahil pagkatapos ng lakad namin ni Jarson ay susunduin naman ako ni Vaundrick dahil may dinner na hinanda ang parents niya sa bahay nila para sa aming pamilya.

I'll be honest now, I kind of getting the vibe that Jarson has already and I somehow like it. Pero parang may kung ano pa sa loob-loob ko na hindi pa talaga komportable o nagtitiwala nang lubos sa kaniya kaya hindi ko pa masabi ang lahat sa ngayon. He has that humor and charisma. But still, I don't think it's enough yet.

"I'll introduce you to them," Jarson snapped my senses back at me when he said that.

Sinarado niya ang pinto ng kotse niya bago ako hinawakan sa bewang para igayak sa loob ng bahay ng kaibigan niya. Sa labas pa lang ay kita ko na ang dami ng mga tao, ilaw na nagsisimbolo ng kasiyahan nila, at naririnig ang mga ingay ng kanta at kantyawan nila. Pumasok kami sa loob ng malaking bahay dahil nandoon ang kaibigan ni Jarson na nag-organisa ng party.

"Jarson!"

Tinawag agad ang kasama ko ng kaibigan niya pagkapasok namin sa pinto kaya halos lahat ay napatingin sa banda namin. Ang ibang nasa counter ay nagsipuntahan sa gawi namin. Malaki ang labas ngunit mukhang mas malaki ang loob ng bahay nila dahil marahil sa malaki at paikot na hagdan nila. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mga nasa ikalawang palapag na animo'y terrace.

"Is that Alvez?"

"So, it's true? Jarson and Ryamara?"

Narinig ko ang bulungan ng iba nang papalapit na kami sa kaibigan ni Jarson. Hindi ko na sila nabalingan ng tingin dahil pinakilala na agad ako ni Jarson sa mga kaibigan niya sa nasa paikot na lamesa.

Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon