Chapter 7

13 1 0
                                    

Chapter 7
Date

"Right now?"

Ramdam ko pa sa kabilang linya ang pagkakaantok at naiiritang boses ni Vaundrick dahil sa biglaan kong panggigising sa kaniya.

"Oo nga! Didn't I tell you yesterday na ngayon naka-plano ang double date natin?" Sagot ko habang iniipit ang aking phone sa leeg para mas maayos makapamili ng kulay na ilalagay sa aking kuko. I saw a shade of burgundy nail polish and immediately liked it. "Wait, Hold on," I said to the other line.

"Ma'am, can I have this shade instead?" Tanong ko sa nag-aayos ng aking mga kuko sa isang kamay. Agad naman siyang tumango at itinabi ang napili ko, "Thank you."

Binalik ko ang lagayan ng mga nail polish at inayos ang pagkakahawak sa phone para makausap si Vaundrick, "Dalian mo na! I'm just pampering my nails. Diretso na ako sa restaurant pagkatapos nito."

"Hmm..." I heard him growled a little bit.

Suminghap ako, "Get up now! Anong oras na, Vaundrick."

"9:10 in the morning."

I rolled my eyes, "I'm not asking. Bilisan mo na ang pagkilos! Be there at 11 sharp."

"Tss," Bago pa ako makasagot ay binabaan niya na ako ng telepono.

Iritado akong napabaling sa phone ko. Did he just... hung up the phone?! Nagtiim-bagang ako at nairita sa inasta niya. Really, huh?

Hindi ka naman pala magigising nang maaga sa araw na napag-usapan pero sumang-ayon ka pa rin sa plano? Bakit parang kasalanan ko pa na ginising kita? Tapos hindi ka man lang sasagot nang ayos?

Hindi na ata nawala ang inis ko dahil sa nagawa niya kahit pa hanggang ngayon na nakikita ko na siya na naglalakad papunta sa table namin sa napag-usapang restaurant.

He's wearing a plain white tee under his dark gray jacket, with a black pants and shoes. His usual long hair deems fairly different now that it is wet and glossy. He looks casual yet dapper.

"You're early," aniya bago umupo sa harapan ko.

His black stud earrings became more distinct when he ran his hand through his hair.

Tinuro ko ang katapat na salon ng restaurant, "I was just there earlier."

Lumingon naman siya doon at luminga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

"I thought you're not coming. You hung up the call on me," I said coldly.

Hindi pa siya nakakasagot ay iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Sakto namang nakatanggap ako ng mensahe mula kay Katasiah, ang pasimuno ng blind date na ito. I like her idea though, kaya sumang-ayon ako.

"Yeah, sorry... Where are they anyway?"

Nagtipa ako ng sagot para kay Katasiah at inignora ang sinasabi ng nasa harap ko.

"Hey," He snapped his fingers in front of my face.

Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang sasabihin. "Where's the dates you are talkin-"

Tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Katasiah na agad ko namang sinagot at iniwan sa ere ang sasabihin ng kaharap ko. Bahagya siyang napadila sa kaniyang labi bago ko siya muling iniwasan ng tingin.

"Yes?"

"Jarold said he's wearing a black polo sleeves. Clean cut din ang gupit ng buhok niya... At mas matangkad din talaga sa'yo, kagaya ng mga tipo mo."

Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon