Chapter 14

20 0 0
                                    

Chapter 14
Key

"Good afternoon, Sir... Ma'am," bati ng mga empleyado nila Vaundrick nang palabas na kami sa kanilang kumpanya. Tinanguhan ko sila pabalik.

"We'll visit our branch in Cebu on the 3rd week of September. Dad is expecting us to come. Are you free for that week?" He asked as we went inside his car.

"I'll check my schedule, but most probably yes. October pa naman ang midterms week namin."

"That's good. Just tell me if there'll be any changes in your schedule."

Tumango ako sa sinabi niya at nagsimula na siyang magpaandar ng sasakyan.

"May gagawin ka ba ngayong araw?" I asked him when we're in the middle of traffic.

"Just car racing, as usual. Why?"

Napabaling ako sa kaniya, "Really? Can I go with you?"

He turned to me, "Are you sure?"

I nodded at him, "Yeah! It's Saturday so it's my rest day. Can I?"

Saglit siyang napaisip, "You don't have a date with that conceited fella?"

I mockingly rolled my eyes at him. He's talking about Jarson.

"'Wala. I had to cancel our double date dahil hindi pumayag ang isa. Guess who?"

Napangisi siya at iling, "What for? I'm not fond of dates more so double dates."

Mayroon sana akong plano na mag-double date muli kami. Ako, si Vaundrick, si Jarson, at ang isang babaeng kakilala ni Jarson. Pero hindi pumayag si Vaundrick kaya hindi ko na rin tinuloy.

"Pero sumama ka noong-"

"Sumama ako isang beses sa inyo kasi gusto kong pagbigyan ka. You even called me two hours earlier than the scheduled time, and I didn't complain even if I only had three hours of sleep that day. And what did happen? Nagalit ka pa rin sa akin kasi nababaan kita ng linya."

"Oh bakit ngayon? Hindi mo na ako pagbibigyan?" Tinukso ko siya.

Napairap siya kaya natawa ako, "Just kidding. Well then, fine! Just tell me if something's bothering you, your wants and not wants, and I'll consider it. Okay?"

He grinned, "The same way with you."

Umandar ang mga sasakyan sa harap namin. Imbes na idiretso ni Vaundrick ito ay niliko niya ang steering wheel gamit ang isang kamay, sa kanan kung saan may kalsadang pabalik sa dinaanan namin.

"Kung ganoon, hindi na pala kita iuuwi. Isasama na kita sa akin."

I smirked at what he said.

"This isn't your type of place I'm sure of it," Vaundrick said when we arrived at the venue. Hindi kagaya ng nauna akong pumunta sa ganitong car racing ay marami ang mga tao, ngayon ay hindi ganoon karami. Siguro kasi hindi naman opisyal na karera ito ngayong araw at talagang libangan lang ng mga kalahok.

Umupo ako sa harapan sa Grandstand at sumunod siya sa akin, "Nah, mukha namang nakakaenggangyong manood dito. It's better to just watch you car race than do nothing."

Nagbigay ako ng espasyo sa tabi ko para makaupo siya pero nanatili lang siyang nakatayo at nakapamaywang sa akin, "You sure you're fine here?"

"Yeah, don't worry about me. Go, hinihintay ka na nila oh," sambit ko sabay turo sa mga lalaking nasa circuit at ang isa sa kanila ay nakatingin sa banda namin.

Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon