Chapter 3

19 1 0
                                    

Chapter 3
Fiancé

"Is this the same guy that you met on Tinder?"

I burst out of laughter because of Katasiah's question. "No! He ghosted me na kaya! Although hindi naman ako nasaktan kasi boring din naman siyang kausap."

"So, where did you meet this new guy?"

"He's a friend of my cousin's friend."

Her nose crinkled, "Who the- what? Oh, never mind! Nahihilo na ako sa dami ng mga nakikilala mo."

I chuckled, "How many times will I tell you? It's nothing serious naman!"

"Nothing serious?! Eh sabi mo halos dalawang buwan na kayong magkausap n'yan?"

"Oo nga! Eh ano naman? Hindi ko naman siya gusto! At hindi rin naman niya ako nililigawan or what," I shrugged.

Umalis siya sa pagkakahiga sa tabi ko at umupo sa paanan ng kama para maglipat ng channel, "You settled for that kind of relationship?"

"I didn't! I just wanted to have fun and free at the same time!"

She looked at me and rolled her eyes, "Oh siya, sige. Just don't come running at me when you started catching feelings for them."

"Oh, Kata. Don't worry, I won't," I winked at her before checking my phone.

Jin: I'm sorry.

Napakunot ang noo ko sa message na natanggap. Agaran akong sumagot.

Me: For what?

Hindi rin naman nagtagal ang sagot niya.

Jin: I hope we can still be friends after everything.

Me: Of course. We were friends, and are still friends.

Me: What are you sorry for?

Matagal bago siya nakasagot. Naubos ko na ang isang balot ng chichirya na dinala ni Katasiah sa kwarto niya ay hindi pa rin siya sumasagot.

Napatingin ako sa wristwatch ko, "Tatlong oras pa pala bago ako umalis."

Lumingon sa akin si Katasiah, "Manood nalang muna tayo ng movie."

I nodded at her and smiled, "Sure! Horror?"

Ngumisi siya at may sinalpak na flash drive sa gilid ng TV. Nagsimula siyang maghanap ng papanoorin.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita ang message doon.

Jin: I still can't get over my ex.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o malulungkot para sa kaniya.

Me: Oh, I understand.

Me: We can still be friends, don't worry. :)

"Hindi ko na pala fling yung tinutukoy ko ngayon lang," sambit ko pagkababa ko ng phone ko.

Kakapindot lang ni Katasiah ng isang movie kaya humiga na muli siya sa tabi ko. "Eh ano mo na siya ngayon?"

"Friend ko na."

"Huh?!"

Nginisian ko ang reaksyon niya. Kinuha ko ang isang unan sa ulunan ko at niyakap ito habang pinapanood ang umpisa ng palabas. Pinakita ko sa kaniya ang message ni Jin sa akin.

"Nakakaloka ka talaga," rinig kong bulong ni Katasiah na tinawanan ko lang.

Inubos namin ang dalawang oras sa panonood ng horror movie. Kinailangan ko kasing lumuwas sa syudad namin dito sa Quezon City dahil ipagdiriwang ni papa ang kaniyang 50th birthday sa isang private events place namin dito sa syudad. 'Wala pa naman akong masyadong ka-close sa mga bisita at ibang kamag-anak ni papa kaya minabuti ko nalang muna na magpalipas ng oras sa bahay nila Katasiah lalo pa't sa syudad na ito rin naman sila nakatira.

Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon