Chapter 9
DinnerPinasadahan ko ng daliri ang aking buhok para magbigay ng dagdag estilo sa aking itsura. A simple touch of makeup to pair up with my black long sleeves ribbed dress. I smiled at my reflection to boost my confidence.
Lumabas ako sa comfort room at nagdire-diretso sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko. Napatayo si Kata para salubungin ako ng sermon.
"Ang tagal mo! May ikukupad ka pa ba?"
Tinawanan ko lang siya bago siya tinulungan sa pag-alalay kay Vionalyse na nakahiga na sa sofa.
"Hoy, gumising ka na, babae! Uuwi na tayo!" Aniya.
"Asan siya?" Sambit ni Vionalyse gamit ang maliit at antok na boses.
"Sino?" Tanong ko na inirapan naman ni Katasiah.
"Sino pa ba? Si ano malamang. Nakita kasi namin dito kani-kanina lang, balak atang sundan nito ni Viona pero pinigilan ko. Ayan, humiga nalang bigla dito."
"Diba? Siya naman talaga yun, hindi ba? Alam ko itsura ng buhok nun, malago at mahaba. Tapos naka-hoodie pa." Wala sa sariling bulong ni Viona at natawa. "Bakit kaya siya nandito? Susunduin niya kaya ako?"
"Hay nako! Matulog ka na! Tara na, umuwi na tayo!"
Hinawakan ni Viona si Kata sa magkabilang-braso at dumilat nang bahagya. "Jaci..."
"Hindi ako si Jaci. Ako si Kata. Katasiah." Mariing sambit ni Kata bago namin sinubukang itayo muli si Viona.
Umiling si Viona. "Asan? Si Jacintha?"
I sighed and looked at Kata. Hinayaan ko siyang siya ang sumagot sa kaibigan namin. Kami nalang tatlo ang natira dito dahil kami ni Katasiah ang mag-uuwi kay Vionalyse, samantalang si Zoralin, Ylanais, at Archalea naman ang mag-uuwi kay Erylana. Nakauwi na rin si Jacintha dahil may sundo, hindi rin naman siya ganoong nalasing.
"Kakauwi lang. Hindi ba nga may sundo siya?"
Hinawakan din ni Viona ang isa kong braso. Kaya ngayon ay kami ni Kata ang hawak niya. Nagulat ako nang may tumulong luha sa mata niya.
"Bakit ako, wala? Bakit ako, hindi sinundo?"
Napatingin ako kay Kata nang naguguluhan, samantalang si Kata naman ay hindi ko mabsa ang ekspresyon. Nakatitig lang siya sa mukha ng kaibigan.
Siniko ko siya para mabalik sa ulirat. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya ah? Napatingin siya sa akin. "Tara na, uwi na natin ito."
Tumango siya at sinubukan naming itayo muli si Viona. Nakakapit ang magkabilang braso ni Viona sa amin ni Kata. Nang makalabas kami ng bar ay agad akong nagpasalamat dahil nasa malapit lang nakaparada ang aking sasakyan.
"Nandito naman kami ah? Hahatid ka namin hanggang bahay niyo. Kaya tumayo ka na d'yan at uuwi na tayo." Sagot ni Kata sa mga pabulong na reklamo ni Viona.
Nang maihiga siya sa loob ng sasakyan ay napainat pa ako. Bigat nitong babaeng ito, ah? Papasok na sana kami ni Kata nang may kumausap sa akin.
"Ryamara?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Basa pa ang buhok niya marahil siguro sa kung anong nilagay na gel o hair spray. May piercing sa magkabilang tainga. Hindi ko rin mapigilan na punahin ang iilang buhok na tumubo sa may ilalim ng labi niya. He looks like my age, but just a bit mature-looking, I guess? Kinunutan ko siya ng kilay dahil hindi siya pamilyar sa akin.
"I'm sorry, do I know you?"
Ngumisi siya at lumapit pa sa amin. Naglahad siya ng kamay. "Jarson."
BINABASA MO ANG
Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)
RomanceIsn't it satisfying when you get to hold the things that you love without even wasting your efforts and time? Nonetheless, how far can you go if things are not going your way anymore? As someone who's as bold, carefree, and firm as Ryamara Tessa Al...