Chapter 5
DisagreeMaaga akong nagising para maabutan si papa bago siya tuluyang makaalis para sa trabaho. Akala ko ay sobrang aga na ng gising ko pero hindi ko man lang siyang naabutan na kumakain pa ng almusal sa dining room.
"Hindi po kumain si sir, at sa office niya nalang daw siya magpapadala ng pagkain." Sagot ng isang kasambahay sa akin sabay turo sa pasilyo kung nasaan daw nagtungo si papa.
"Sige po. Salamat po."
Agad naman akong pumunta sa kwartong itinuro niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago narinig ang sagot ni papa mula sa loob kaya tuluyan na akong pumasok dito.
Malinis na ang kama nila at 'wala akong naaninag na tao sa loob ng kwarto kaya siguro ay nasa walk-in-closet siya ngayon. Nakumpirma ko lang iyon nang magsalita si papa mula sa loob nito.
"George, paki-ayos na ang sasakyan at aalis na tayo."
Tumikhim ako bago nagsalita, "Pa..."
Saglit na natahimik sa loob ng silid. Hindi nagtagal ay lumabas sa walk-in-closet si papa nang nakasuot na ng pang-pormal na suit. Nakita niya ako ngunit iniwas din ang tingin para ayusin ang kaniyang relong ginto.
Tumingin siya sa salamin na nasa tabi ng maliit na tukador at kitang-kita ko kung paano niya ayusin ang kaniyang tali sa may bandang leeg. Napayuko ako para magkaroon ng lakas na loob na magsalita.
"I-I'm sorry about last night, pa... I didn't mean what I said about... y-you."
Hindi pa rin siya umiimik kaya binalingan ko muli siya. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig ay tsaka naman may kumatok sa pinto at pumasok si Mang George, ang driver ni papa. Nakatalikod pa rin si papa sa akin at may sinenyas sa kaniyang driver na agad naman siyang tinanguan.
"P-Pa..." I called to catch his attention once again.
'Walang gana siyang lumingon sa akin. Nakabutones na ang lahat sa coat niya at naka-ayos na rin ang tie nito sa leeg. Mukhang handa na siyang umalis.
"Akala ko may sasabihin ka na naman tungkol sa pagpapakasal sa anak ni Mr. Salvietro,"
Naalarma ako sa kaniyang sinabi. Is this his signal for me to talk about it one more time? Mapapakinggan niya na kaya ako?
"About it, pa... N-Nagkausap na po kami ni Vaundrick."
Nakitaan ko ng interes ang kaniyang mukha pagkasabi ko noon, "What happened then?"
"W-We both agree to cancel the arrangement you've made for us."
Kumunot ang kaniyang noo, "You both agreed o pinilit mo siyang tumanggi?"
Nabigla ako sa sagot niya, "N-No, pa. Parehas po naming hindi gusto yung set-up, at maging siya po ay hindi rin pabor na magpakasal agad."
Hindi siya umimik at tumalikod lang muli sa akin para makaharap sa salamin.
"When you finish your college."
Naguguluhan kong pinagmasdan ang kaniyang likuran nang magsalita siya.
"You'll get married when you finish your college. And it'll only be him that you'll marry."
When I finish my college? That's 2 years from now then! I will be 23 by that time! Masyado pa ring maaga! At hindi pa rin naman ako sigurado sa mga magiging desisyon ko sa mga panahon iyon! But most probably, talagang hindi pa rin ako papayag na magpakasal sa kahit na sino o magkapamilya man lang sa mga oras na 'yon!
BINABASA MO ANG
Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)
RomansaIsn't it satisfying when you get to hold the things that you love without even wasting your efforts and time? Nonetheless, how far can you go if things are not going your way anymore? As someone who's as bold, carefree, and firm as Ryamara Tessa Al...