Chapter 12
Trust"The white one looks better on you," Katasiah uttered.
Napatingin ako sa itsura ko sa salamin habang may hawak na white outfit at tinatantya kung anong bagay na sapatos at make up dito.
"Hmmm... Okay, the white one it is."
Binalik ko ang puting bestida sa kama at ibinalik naman ang ibang mga hindi napiling damit sa closet.
"Kumusta na pala yung recit niyo? Success ba?" Tanong ko sa kaibigan.
Napangiti si Katasiah sa tanong ko. Napa-ayos siya ng tayo habang kumakain ng Mac N Cheese na in-order niya sa isang fast food chain sa malapit.
"Hay nako! Sobrang kabado ako talaga nung una at muntik pa akong ma-mental block! Maigi nalang at na-sagot ko naman ng tama yung mga tanong sa akin at na-justify ko."
"See? Congrats! Deserve mo 'yan! Nangangamoy Dean's Lister!" Umubo pa ako habang kinakantyawan siya.
"Salamat!" Natawa siya, "Sana nga! Malaking bagay yun sa scholarship ko noh."
"Right! At ano ka ba! Ikaw pa? Pasok ka na n'yan!"
"Eh kaso mahirap pa rin magpakampante. Marami rin talagang magagaling sa college eh. Nakaka-drain pa lalo kapag overloaded pa yung school works niyo."
"Kaya mo 'yan! Ikaw si Katasiah! I believe in you! And sobrang proud ako sa'yo!"
"Aww, thank you," Nag-pout pa siya, "I'm proud of you as well, gaga!"
Tinawanan ko ang tinawag niya sa akin at nag-kwentuhan pa kami tungkol sa college life hanggang sa napunta ang usapan sa isang partikular na lalaki.
"I'm not really familiar with the name... Jarson..."
"And so do I. Pero kaibigan pala talaga siya ng blockmate ko kaya kahit papaano ay medyo ayos na ako sa kaniya. Hindi ko pa nga lang alam ang tunay na ugali, kaya nga I'll give it a shot."
"Hmm, Rya... I have to be honest ah. Hindi ako completely agree sa gusto mong mangyari. Kasi parang ginagamit mo lang siya at some point."
Napatigil ako sa pagnguya ng Mac N Cheese at napaisip sa sinabi niya. I nodded, "Alam ko. It's a dumb plan, right? But I won't force him to do something against his will naman. Sana ganoon din siya."
"That's good. Na kung ayaw niya sa plano mo at iwasan ka na niya, dapat matanggap mo. Na kung ayaw niyang magpakasal pa sa'yo sa kahit ano mang dahilan, dapat ayos lang din sa'yo."
"Yes, I know. And honestly, kahit ako rin naman... hindi ako sobrang pabor sa gusto kong mga mangyari. To marry as soon as possible? To date to commit for a lifetime? Nah, not yet."
'Walang nagsalita sa aming dalawa sa loob ng ilang minuto. Pareho kaming natulala at parang may malalim na iniisip habang kumakain at nakasandal sa sofa't nakatingin sa kisame.
Gusto kong may sabihin pa, ngunit hindi ko alam kung ano at paano. At alam kong ganoon din siya. Hinayaan namin ang sarili namin na mag-isip at manantya muna.
Sa huli ay ako ang tumapos ng usapang iyon. Napalingon ako sa relo ko.
"It's late. 'Wala pa ba ang sundo mo?"
Napatingin siya sa orasan na nasa dingding. "Andito na. Mga 15 minutes ago pa."
"Ha? Bakit hindi mo sinabi? Kanina pa pala siya naghihintay, gaga ka!"

BINABASA MO ANG
Midnight Inescapable Passion (Everlast Series #1)
РомантикаIsn't it satisfying when you get to hold the things that you love without even wasting your efforts and time? Nonetheless, how far can you go if things are not going your way anymore? As someone who's as bold, carefree, and firm as Ryamara Tessa Al...