Chapter 15

422 28 12
                                    

"Mama..."

"No."

"Wala pa naman akong sinasabi!"

Ibinaba niya ang iPad niya sa coffee table at inangat ang tingin sa akin, "Ano pa ba ang sasabihin mo maliban sa 'Mama, pwede na ba akong lumabas?' o kaya, 'Mama, magaling na ako-- Pwede na ba akong lumabas?' ha, Missy?"

"Pero totoo naman, magaling na nga ako!" I even jumped and turned around to prove my point. She watched me with the familiar unamused look on her face.

"And I said no. No. No. No. No. That is five, and will always be my answer for the next times you'd ask me, so please? Spare yourself the energy and rest in your room."

Hindi ako pwedeng umakyat sa studio para magpinta dahil kagagaling ko lang daw sa sipon at hindi makabubuti sa akin ang amoy doon. Daw. Hindi ko alam ang connect ng mga 'yon pero nakinig na lang ako.

I've done nothing but listen and follow everything they say so I could go out.

Hindi pa naman ako nababaliw sa loob dahil nakayanan kong mabuhay dito nang nakakulong buong buhay ko, pero nakakabagot nang sobra.

I am bored and say what, I miss Ciana.

Ciana!

Ciana is the key!

"Ano, bitchesa? Ang aga-aga mong asungot sa buhay ko ah," humihikab si Ciana habang nagsasalita, kinukusot pa ang mga mata. Mukhang nagising lamang siya dahil sa tawag ko.

Humalakhak ako, "Bruha ka, magsuklay ka na nga. Aalis tayo."

"Aalis tayo? Bakit hindi ko na naman alam?"

"Basta, pumunta ka na dito sa amin. Dito ko na sasabihin sa'yo ang plano." bulong lang 'yon dahil nag-iingat akong hindi marinig ni Mama.

"Ah, tatakas tayo."

Tumango ako dahil hindi naman siya mali.

"Maliligo muna ako." aniya.

Agad akong umiling, at napa-upo. "Huwag ka nang maligo! Oras na, bilisan mo. Magsuklay ka na lang! Pwede na 'yon! Please, please."

She clicked her tongue, "'Nak ng."

"Please, Ciana? Double time. Ang ganda-ganda mo naman eh."

"Hindi mo ako madadaan sa ganiy-"

Ibinaba ko ang tawag at naligo ako nang mabilisan. Umaasa ako na hindi umaga ang graduation ni Ambrose dahil kung umaga 'yon, malamang sa malamang ay patapos na o tapos na 'yon ngayon.

Nagsuot ako ng bestida na hanggang sa taas ng tuhod ko. Medyo puffy ang sleeves na umaabot sa itaas ng siko. Sakto lang na damit para sa graduation. Ayaw ko naman na ako ang mukhang nag-graduate.

I knew I could count on Ciana, and she came here less than thirty minutes after the call. Hula ko ay naligo rin siya dahil basa pa ang buhok niya. Pinagtawanan ko 'yon.

"Ang daya mo. I had no time to blowdry my hair, and you had the guts to take a bath and dress up so nicely? Nice, ha." Umupo siya sa kama ko habang pinapanood akong nagsusuklay.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Okay, Missy. What's the plan?"

"Tell Mama that you'd be inquiring about enrolling in UGA."

"That's not true."

"She'll never know!"

"What if she asks my parents?

"Then tell my mother that you'll tell them later. Mag-iinquire pa lang naman. Pero para totoo at hindi tayo magsisinungaling, totohanin mo na at hanapin mo ang office kung saan nag-eentertain ng inquiries."

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon