Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya. I've been watching him but his expression is all the same.
Tahimik kaming naglalakad ngayon patungo sa maliit na park sa gitna ng simbahan at ng Jollibee na kinainan namin.
There's a fountain on the ground and stone benches at the side. I think we are at the heart of the city, and the night lets us enjoy the place all to ourselves. Tanaw rin namin ang malaking simbahan na nasa lipat daan lang.
Hinila ko siya patungo doon sa fountain at tumayo sa gitna noon. Nagbuga 'yon ng tubig at hindi nagtagal bago kami tuluyang nabasa.
Mahina akong humagikgik nang maramdaman kong dumikit sa akin ang materyal ng damit ko dahil sa pagkakabasa.
He held me closer to him in an attempt to shield me from the waters but it's no use.
"Is it a bad thing that I like you, Ambrose?"
He shook his head and placed his hands on my waist, our foreheads touching. "I just told you what I think. Hindi ako sigurado, Pierre. Baka hindi pala, baka mali ako."
"But you're almost never wrong."
He looks so serious, eyes full of hope yet they look so terrified at the same time.
"You have no idea how much I wish that this is one of the many times that I am right. I don't want to be wrong this time. Not this one."
"Tama ka... It makes sense, Ambrose. Wala nang iba pang paliwanag para sa mga nararamdaman ko kung hindi kita gusto."
"Nananaginip lang ako." sagot niya na dahilan ng pagtataka ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin na para bang natatakot siyang makawala ako sa oras na manghina siya. Hindi naman ako aalis.
"Hindi ka nananaginip."
Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ko 'yon sa pisngi ko, "See? I am very real. You're not dreaming. Unless bangungot para sa'yo ang feelings ko?"
"No! Of course not." defensive niyang sagot.
Natawa naman ako. Magaan sa pakiramdam ngayon na alam ko na 'yon, na alam ko na ang totoo kong nararamdaman.
I feel like Ambrose has known it long before I did.
Pakiramdam ko'y matagal niya nang alam. It's so ironic how I only realized and admitted that today. Sarili kong feelings pero mas alam niya pa kaysa sa akin.
Kinikilig ako sa sobrang lapit namin at sa ngiti niya, kaya kumawala ako at nagta-takbo sa kalakihan ng fountain grounds.
"Hoy! 'Wag kang tatayo lang diyan! Habulin mo ako!" I instructed him because knowing Ambrose, his uncooperative self will probably just stand there and watch me tire myself out.
Labag sa loob niya, pero nagsimula siyang sumunod sa akin. He's barely even running or jogging, yet his long legs make it so easy to catch up to me!
Sigurado ako na pinagbibigyan niya lang ako ngayon dahil kung susubukan niya talagang habulin ako, kanina pa kami tapos dito dahil nahuli niya na ako.
Ang mga butas sa sahig ay inaral ni Ambrose at siguro'y tinandaan niya ang pattern ng kung alin ang susunod na magbubuga ng tubig, dahil ma-ingat ang bawat pagtapak niya at doon lang siya tumatapak sa mga hindi magbubuga.
Hanggang sa paglalaro ba naman, nag-iingat siya sa galaw niya. Let loose, baby.
"Come on! It's okay! Basa na tayo pareho, 'wag mo na iwasan ang fountain!"
He heaved a sigh. I bet he did that so loud on purpose!
Humalakhak ako dahil sadya na siyang tumapat doon sa kasalukuyang naglalabas ng tubig. Tinapakan niya 'yon kaya natigil sa pagbuga. I copied him and did the same to the other holes of the fountain.
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
RomanceArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...