Chapter 30

401 19 11
                                    

I shivered when I saw him standing exactly where they told me I would. He's there by the huge gates of Colegio de Angeles, towering over everyone who passes him by.

Gusto kong tumakbo at huwag siyang harapin. Dito pa lang, natatanaw ko na ang dilim ng tingin niya. Sabi sa akin ng student aide, umakyat daw itong lalaking naghahanap sa akin.

Kung umakyat nga siya... nandoon kami ni Sean kanina. Baka nakita niya kami?

But that's impossible. Nasa pinakasulok kami! Not even the surveillance cameras could reach that part of the library! Well, I hope?

Ambrose would have never found us there unless he really searched the place... it's impossible. It should be impossible!

Tumalikod si Ambrose nang makita niya akong papalapit na. Sinundan ko siya tulad ng nakasanayan ko. Mamaya ko na pagsisisihan ang pagsunod ko sa kaniya kung sakaling dapat ko mang pagsisihan.

There's no turning back now that I'm inside his car, is there?

Ang tahimik, pucha. Kuliglig na lang ang kulang. Tama ba na sumama ako rito? What if he didn't want me here? Pero hindi naman kasi siya nagsasalita!

"Lalabas ba ako or what? I followed you and went in without thinking," pag-amin ko sa mahinang boses, sapat lang para marinig niya 'yon.

He locked the doors so I'm guessing he expected me to go inside.

I feel like I just did something so bad and I got doing it, like a criminal! Pinagkaiba lang, walang pulis na tinututukan ako ng baril at hindi nagsasalita itong kasama ko.

Maging nang magsimula siyang magmaneho, hindi siya kumikibo. Alam niya bang nakasakay ako rito sa sa sasakyan niya?

Grabe, pwedeng pwede siya sa movie na Don't Breathe. Makakalabas siya nang walang galos doon.

Hindi ako makahinga sa sobrang katahimikan, parang nauubusan na ako ng hangin sa baga dahil sa maraming beses kong paghinga ng malalim.

Matigas ang ekspresyon niya sa mukha, tila abot langit ang galit sa kalsada. Kaunti na lang din ay magtatagpo na ang mga kilay niya dahil sa pagkunot nito.

Now that he's this agitated, I miss his usual stoic face. Ayaw ko naman kasing sa akin siya galit!

Natutukso akong abutin ang bag ko para kunin ang paintbrush ko, pero hindi ako makagalaw dahil sa sobrang katahimikan.

"Damn it, Ambrose. Speak up. I am dying here." Hindi ko na kasi napigilan. Common naman sa aming dalawa ang katahimikan at lahat ng 'yon, komportable... ito lang ang hindi.

One of his hands flew to his mouth, but he shifted to use his forearm to cover it instead. Hindi niya 'yon mapirmi, habang ang kaliwa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela. He looks restless.

"S-Saglit lang."

Nagulat ako sa panginginig ng boses niya. There was a lot of restraint in it.

"Ambr–"

"Nabigla ako, Pierre. Saglit lang, saglit lang. Ayaw ko munang magsalita."

Marahas akong napasandal sa backrest ng upuan ko at napapikit nang mariin. Of course, he saw what I was doing.

Sinong niloloko ko noong inisip ko na hindi?

Kung hindi niya nakita, hahanapin niya ako at hindi siya titigil hanggat hindi kami nagkikita. He wouldn't just come visit me and stop looking. He's not like that.

Kaya kung ayaw niya munang makipag-usap, sige... I won't push it.

Hinintay ko na magsalita siya kung kailan niya gusto, pero nakuha naming mabaybay ang kahabaan ng buong daan pauwi at ngayong nasa tapat na kami ng bahay, wala pa rin.

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon