Ibang klaseng tuwa pala na makita ang mga kaibigan na isa-isang naaabot ang mga pangarap nila.
Sila Blaire at Charlie ay ganap nang mga pharmacist, pero parang kailan lang nang nag-iiyakan silang dalawa nang dahil sa acads.
Nawalan ako ng balita kay Sean magmula nang mag-graduate kami pero knowing him, he's surely in a good place right now.
Siya pa ba? Sobrang maalam 'yon sa buhay at kahit na laki sa yaman ay hindi siya out of touch sa realidad. Naniniwala akong maayos din siya ngayon.
Si Jamie, umuwi sa Pangasinan kung nasaan ang nanay niya. Sabi niya sa akin dati, hindi siya uuwi nang tuluyan doon hanggat hindi niya natutupad ang mga pangarap niya. Now that she came home, that's telling something. I am happy for her.
Ito namang si Ian, kahit anong tanggi niya ay alam kong malaki na ang ipon niya. Kaya nga nagtataka ako kung bakit gusto niya pa ring magtrabaho kung kaya niya namang magbukas na ng sarili niyang business.
"They said they'd call until the end of this week! It's already the end of this week!" He's all panicky and worried over a job interview we both attended. I did well and I'm sure he did too.
Kung hindi man kami matanggap sa trabaho na 'to ay bahala na. Ayos lang. Marami pa namang iba diyan.
Ilang mga kompanya na ang natingnan namin pero dito sa isang 'to pasok ang lahat ng hinahanap namin na experience. We thought it'd be fun to work together.
"Mayroon pa hanggang mamayang gabi, Ian. Umuwi na muna kaya tayo tapos magbalitaan na lang. Promise naman, no hard feelings if you get accepted and I don't." sabi ko, natatawa.
I'd actually feel bad if I get accepted and he doesn't! Sobrang kaba niya kaya ngayon, parang lang kapag naghihintay kami ng bigayan ng testpapers noong college.
Nakakamiss palang kabahan nang ganoon, pero hindi naman masyadong nakakamiss na gugustuhin kong balikan. That was stressful too.
Naghiwalay na nga kami ni Ian dahil gusto ko munang umuwi. Umalis na si Ian sa studio ko at nagsimula na akong magpatay ng mga ilaw dito sa loob.
This studio is not the one in our attic. Nakahanap na ako ng sarili kong lugar. Malaking tulong 'to sa akin and it is therapeutic to have a safe place.
Kahit na mayroong isang kwarto naman dito ay mas gusto ni Mama na umuwi ako araw-araw. Hindi naman ako nagreklamo pa dahil ayaw ko namang mag-isa siya sa bahay lalo na ngayong sa Maynila ang trabaho ni Ate Sydney.
Ambang lalabas na ako at kukunin na lang ang bag ko na nakapatong sa coffee table, tumunog ang door chimes, hudyat na may pumasok sa studio.
It's on the second floor of a commercial building in the heart of the city so it is pretty easy for anyone to find.
"I'm sorry, I'm closed for tonight--" sabi ko. Akala ko kasi ay kliyente na naman na magi-inquire o kaya naman ay magpi-pick up ng pinagawa nila sa akin.
Paglingon ko roon sa bagong pasok ay si Ambrose pala. My shoulders relaxed after a really long day of being so stiff and all that. At the sight of him, I let down my walls.
Pahinga. 'Yan ang agad na nararamdaman ng sistema ko kapag siya ang nasa harap ko. Alam kong makakapagpahinga na ako ngayong nandito siya at hindi ko kailangang magpanggap kahit kaunti.
Nandoon pa lang siya sa hamba ng pintuan ay binagsak niya na ang bag niya sa malapit na couch at dumiretso sa akin.
"Yakap," aniya sa mahinang boses.
I cooed like a baby when we finally touched.
Noong nakaraang linggo pa lang kami huling nagkita pero agad ko nang napansin ang medyo pagpayat niya. Kaunti lang naman at ako lang siguro ang makakapansin, pero aalalahanin ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
Storie d'amoreArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...