I now know why I have been so scared of being in hospitals.
It took me my whole life so far to realize that it is not the actual structure, not the doctors, not the nurses, and not the needles that I am afraid of.
It's going in and not knowing if I'm ever going to come out alive.
When I opened my eyes, the first thing I saw was white ceilings and the first thing that hit my nose was the smell of sweet antiseptic that irks me everytime.
Also, "Ambrose..." was the first word to ever come out of my mouth since waking up.
I want him so much to be here, I think I am hearing his faint voice from afar. It sounds so real, but he's not here.
Hindi siya ang una kong nakita sa pagbubukas ko ng mga mata ko, kahit anong hiling at kagustuhan ko na sana ay siya.
I'm on a hospital bed. Alam na alam ko ang pakiramdam sa balat ng mga tela sa ospital. Kilala na ng likod ko ang lambot ng mga higaan dito. 'Yung lamig, 'yung amoy... sa ilang beses akong napunta rito, hindi na ako pwedeng magkamali.
It's pretty ironic how the thing I am scared of the most is also the one thing I have always been familiar with.
Wala pa ako sa tamang wisyo nang buksan ko ang mga mata ko. Nanlalabo pa iyon at ang pandinig ko ay unti-unti pang nag-aadjust. I just passed out, right?
"Huwag mong papapasukin, Sean..." I heard my mother's strained voice, and the faint noises from a distance that I thought I was imagining, continued.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Sa totoo niyan, masyado akong nanghihina para isipin pa 'yon. The noises and their voices didn't register in my head.
Pero nandito si Mama sa gilid ko, lumuluha. I haven't seen her cry in a very long time... 'yung huling pagkakataon ay dahil pa rin sa akin. Ngayon, ako ulit.
She's holding my hand tightly against her cheeks, and her tears are wetting it every passing second.
I hummed to let her know I'm awake.
Para na rin siguraduhin kung buhay pa ba ako o kung multo na lang ako dahil grabe na ang iyak ng nanay ko. Seriously though, her tears couldn't stop from falling.
Agad siyang napatingala sa akin nang marinig ako. Namumula ang ilong niya at namamaga ang mga mata na tila kanina pa umiiyak.
She caressed my head, "You're okay, you're okay..."
Ako yata ang dapat na magsabi niyan sa kaniya, pero nagsimula akong makaramdam nang takot nang maramdaman ko ang mga wires na nakakabit sa katawan ko.
Hindi ko gusto ang pakiramdam! Ayaw ko na mayroong nakadikit sa akin na ganito!
Sa takot ko ay kumalabog ang puso ko nang husto. Biglang lumakas ang tunog ng monitor kung saan nakakonekta ang mga wires.
"M-Mama... What is this? Ano 'to? Bakit may ganito?" Hindi ko namalayang nanginginig pala ang boses ko.
My mother seemed alarmed because of my sudden panic attack. Hinawakan niya ang magkabila kong braso dahil sinusubukan kong tanggalin ang mga kable na 'yon.
"It's okay! It's okay, Missy! Para sa'yo rin ang mga 'yan, it's just to monitor you!"
But they suffocate me, Mama. It's bad enough that I am in a hospital that I never liked in the first place! I feel caged and I couldn't breathe!
Tumaas ang boses ko, "Ayaw ko rito! Ayaw ko, Mama! I don't want this!"
Nang may naalis ako doon, nag-iba ang tunog na nagmumula sa monitor. It's the sound of a flatline.
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
RomanceArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...