Chapter 19

415 22 13
                                    

Ih... Sigurado akong nakasimangot ako habang tinitingnan si Ambrose. At first, I was elated and so excited for him and his newfound eyesight, but now, I'm seeing more of the downsides!

"You looked good with glasses! Bakit nagpa-surgery ka pa?"

"I was almost legally blind. I wore them not for the aesthetic, Pierre."

Mas lalo akong sumimangot, "Eh! Ano ba 'yan! Hindi ka na nakasalamin!"

Parang bata akong nakikipagbangayan sa kaniya sa bagay na wala naman akong pinaglalaban. Nagrereklamo lang ako, literal. At siya ang sumasapo noon.

"Yes, and?"

"Gwapo ka naman dati nung nakasalamin ka!"

"At ngayon hindi na?"

No, that's not the case! Of course, not!

My problem is, without his glasses, his facial features are even more highlighted and exposed. Mas lalong nadepina ang perpektong hulma ng mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit ko pinoproblema 'yon, pero wala naman akong magagawa sa nararamdaman ko! "Am I not attractive in your eyes anymore?"

"That's not it!"

"Then what's the problem? Are you so attached to my eyeglasses then?"

Sa buong sampung minuto na kasama ko siya, hindi ko mabilang kung ilang tao na ang tumingin sa kaniya at nagtagal pa ang titig ng iba. Ganoon naman na dati, nangyayari naman na 'yon talaga, pero ngayon ay pakiramdam kong mas dadalas pa 'yon!

I am aware that I am being unreasonable. I'm not the one they're looking at so what exactly is my problem?

"It's not the glasses..."

"What is it then? What upsets you? Tell me so we can do something about it." pagsuyo niya.

He is so damn clueless when it comes to things like this! Siya lang yata ang hindi nakakaalam at hindi nakakapansin kung gaano siya pinagtitinginan kahit saan man siya magpunta. Ganoon katindi ang presensya niya, na kahit sino ay hindi malabong mapalingon sa kaniya.

Bumigay na ako, masaya naman ako para sa kaniya. Hindi niya na kailangang magpakahirap sa sobrang malabo niyang mga mata.

Baka rin naman hindi lang ako sanay na hindi na siya nakasalamin na kay kapal ng mga lens. Masasanay din ako.

"Wala... Nevermind. And for the record, you are still very attractive to me." pagkaklaro ko doon sa huli dahil ayaw kong isipin niya na kabaliktaran 'yon. I stand by what I say, you know. I still appreciate what I appreciated a year ago!

"Grab my bag, please. Nasa gilid ng upuan mo." sabi ni Ambrose. Kinuha ko naman 'yon at inabot sa kaniya. May hinugot siya mula sa loob nito, ang lalagyan ng dati niyang salamin.

Umawang ang bibig ko nang pinwersa niya ang lens ng mga 'yon hanggang sa matanggal sila. Pagkatapos ay sinuot niya ulit. "Better?"

I giggled and hid my smile from behind my hands to control it. "Ayos lang nga sa akin! You struggled so hard with bad eyesight kaya, and it's better to not walk around with something you do not need anymore."

May mga oras na sumasakit ang ulo niya dahil sa mga mata niya. Hindi niya alam na napapansin ko palagi kapag nangyayari 'yon.

Aalisin niya ang salamin niya, hihilutin ang sentido, tapos ay pipikit sandali bago magbasa ulit. I couldn't even keep track of all the painkillers he took when his headaches because of his eyes were so bad.

I couldn't imagine his struggles when my vision has been 20/20 my whole life. No bad eyesight, no opinion! A new addition to my ethos.

Lumapit ako sa kaniya, umahon mula sa kinauupuan ko. I leaned over and slowly removed the frame of the eyeglasses from his face. "Bagay mo naman. Nakasalamin ka man o hindi."

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon