Chapter 26

352 26 9
                                    

"Ma, I'm just going to school." paalala ko sa Mama ko na naabutan ko dito sa sala, lumuluha.

Pinapanood niya akong mag-ayos ng uniporme ko at hanggang sa nagsasapatos ako ay nakatingin lang siya sa akin. Basang-basa na siguro ang panyo niya ngayon.

Isang hikbi ang kumawala sa mga labi niya nang sinubukan niyang magsalita.

"Alam ko, Missy... I know. Just promise me that you'll come home safe everyday."

"I promise."

"Mean it! Say it with more conviction, anak. I need something a little more than that."

I sighed because I have no idea what else to do or say to convince her that nothing bad's going to happen to me. Kahit ano namang gawin ko, walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng kahit na sino.

But I will try so hard so that I'll be safe from myself. Emphasis on try.

Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. I held her by her elbows and looked straight into her eyes, the best way I know possible so she'd listen to me... and hopefully believe me. That would be a reach though.

"I promise that I'll try my best to stay away from harm."

Kakayanin kaya ni Mama ang mga susunod na taon na nag-aaral ako? Masasanay din naman siguro siya na wala na ako sa bahay buong araw araw-araw.

Ilang taon ko na siyang pinagbigyan at inintindi kaya hindi ko pinaglaban ang kagustuhan kong mag-aral na tulad ng ate at pinsan ko, pero ngayon, siguro tama lang na mararanasan ko na rin 'yon.

My mother made me almost late to my very first day of school.

Abot langit na nga ang kaba ko sa katotohanan na mag-aaral na ako na pinapangarap ko lang dati, mas lalo pa akong kinabahan kasi hindi agad maganda ang simula. Late agad.

Ang aga ko nga nagising, dalawang oras naman ang litanya ni Mama kaya wala rin!

Pagdating ko sa gate ng CdA, kaunti na lang ang mga papasok na estudyante.

That couldn't be good, right? Ibig sabihin, nasa loob na silang lahat!

Sa pagmamadali ko ay muntikan ko pang hindi mapansin si Sean na mag-isang nakatayo doon pagkapasok na pagkapasok ko sa gate. Hindi na ako nagugulat na bigla na lang siyang sumusulpot, even in the randomest of times.

"Good morning," lang ang tanging nasabi niya, inasahan ko na tatanungin niya kung bakit ako na-late. Hindi ako huminto sa paglalakad kaya sinabayan niya naman ako.

I am half-running already and he's there coolly walking beside me with both hands in his pocket! I look like shit too early in the morning and he looks good as new, it's starting to get offending, really.

I glanced at my wristwatch and I have at least a minute left to reach the classroom. Naiiyak na ako. Normal ba na maiyak dahil late? Is it, or is something wrong with me?

"Were you waiting for me? Aren't you late yourself?"

"It's your first day, it wouldn't hurt to walk you to your classroom. Why are you in such a hurry?"

Tinatanong niya ba talaga ako nito? "We're late! Dapat ikaw mismo ay papunta na rin sa classroom mo!"

Bumagal sa paglalakad si Sean kaya nalagpasan ko siya, but he quickly caught my wrist. Pagagalitan ko na sana siya pero nagsalita siya, "Oh, oh no, Missy. Calm down."

But how could I possibly calm down?! Kanina pa ako tumatakbo pero wala pa rin ako sa building ko! Nalagpasan na nga namin ang Faculty of Engineering kung saan dapat si Sean!

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon