Chapter 11

40 1 0
                                    


"So, let's start shall we?" umpisa ni Gem, "This game is called I Knew Her When. It's basically just telling everyone how and when you met Annie. This will just serve as an ice breaker. Okay, I will start."

The more I see Gem the more I get curious about her. Ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Aaron? Is she really cheating on Rasper? Masyado siyang misteryoso. Teka nga, bakit ba mas curious pa ako kaysa kay Jen?

Gem smiled at Annie before she began. "I met her when I was eleven. It was Christmas break, nagbakasyon ako sa probinsya nila at ipinakilala ako ng pinsan ko sa kanya. We automatically clicked, especially when I found out that she watches Meteor Garden too. Kapag nagba-bike kami tuwing hapon at mag-a-alas singko na, bibilisan naming makauwi at sisigaw ng 'Dao Ming Si, here I come!'"

Lahat kami napangiti. Aminado ako na maging ako nawili rin sa panonood ng palabas na 'yun. Sinasabayan ko pa nga ang kanta kahit gibberish ang mga lyrics ko.

"I remember patay patay pa ako kay Hua Zi Lei noon." Annie said laughingly.

"Ako naman si Mei Zuo ang crush ko. 'Yung mga tulad niya talaga ang tipo ko. Super chinito" Sabi naman ni Lynn.

"Kaya pala ang bilis mong bumigay kay Jason ah." Biro ko.

"Ang sabihin mo kamo, siya pa mismo ang nanligaw." Dagdag naman ni Macey.

Lahat kami ay napahalakhak dahil sa pamumula ng mukha ni Lynn. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Hindi na kaila sa amin 'yun. Yes, she's not the Maria Clara type but we like her like that.

Sunod na nag-kwento si Rachel at Shello, na nasa kaliwang banda ni Gem. They mostly talked about their High School days with her. Sumunod naman si Macey, si Jen at ako.

"Just like Macey and Jen, I met Annie in college. Honestly, I'd never thought we'd be this close. Bihira lang kasi kaming mag-usap noon dahil magkaiba kami ng group of friends. Akala ko nung una suplada, maarte at tulad din siya ng mga kaklase naming prima donna. Pero hindi pala. I knew it when she comforted me after my first breakup." I smiled at her, "I guess that when I felt that she's a friend for keeps.

Umiiyak na nagpasalamat si Annie sa aming lahat pagkatapos naming makapagsalita. Isa-isa niya rin kaming niyakap. After saying her seemingly endless thank you, we clinked our glasses of champagne.

Nasundan pa iyon ng ilang nakakatawang laro. Panay rin ang tilian at tawanan naming. Tinawagan tuloy kami ng isa sa mga hotel staff para sabihinang bawasan namin ang ingay.

"Okay, guys, time to unwrap the gifts!" excited na sabi ni Paula.

We piled our gifts on the table in front of Annie. Ngayon pa lang natatawa na ako sa magiging reaksyon niya kapag nakita ang 'special gift' namin nina Jen, Macey at Lynn sa kanya.

"Aw, salamat talaga guys." She said, tearing the first gift's pink wrapper. It was from Jodi and it's a lacey black lingerie. Namula siya ng iladlad niya ang kabuuan nito. "Hindi ko ata kayang isuot sa harap ni Marc ito."

"Ngayon ka pa mahihiya samantalang magiging mag-asawa na nga kayo."

She opened our gift next. Nagkatinginan kami nina Jen at napangiti. Our mystery gift was cupcakes with a man's-you-know-what. Iba-ibang kulay at sizes pa. Si Lynn ang nakaisip nito dahil alam daw niyang nakakatawa ang magiging reasyon ni Annie because she's easily embarrassed. Nakahanda na nga ang phone niya para i-video ang nito nito at hindi nga siya nagkamali.

Kitang-kitang sa mukha ni Annie ang pamumula at embarrassment. Lalo rin tuloy lumakas ang halakhakan at kantyawan.

"Ikaw ang pasimuno nito Lynn, 'no?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little Miss LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon