Chapter 06
Ang awkward ng pakiramdam ko habang nasa biyahe kami. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o dapat ba akong magpasalamat dahil natakasan ko si Angelo dahil sa pabor na nagawa ni Brent. In the end, I just chose to keep my mouth shut.
"Ex-boyfriend o hindi tipong manliligaw?" he asked, breaking the defeaning silence between us.
"Ha? Um, ex-boyfriend." simple kong sagot. Hindi ko na kailangan pang i-elaborate sa kanya ang ibang detalye.
Tumango-tango siya. "I guess that's the reason why you said yes to me, isn't it?" napatingin lang ako sa kanya, hindi alam ang isasagot. "But it's completely fine. Pabor nga sa'kin e. Tingnan mo mai-de-date pa kita." he said with a wink.
I raised one eyebrow at him. "And who says this is a date?"
"Ako. Kasasabi ko lang diba?" And we both laughed.
Kung sa ibang pagkakataon siguro baka na-badtrip na ako sa kanya pero dahil pabor din naman sa'kin ang ginawa niya kanina palalampasin ko na lang. And besides one date wouldn't hurt.
Moments later, I began to felt anxious dahil parang ang tagal na ng biyahe namin at malayo na kami sa city. Halos pagabi na rin at konti na lang ang natatanaw kong mga bahay. Nagkamali ba ako ng sinamahan? Dapat ba gumawa na lang ako ng sarili kong paraan para matakasan si Angelo? Hindi kaya psychopath ang taong 'to at may balak na masama sa'kin? Kinabahan tuloy ako. Two days ko pa lang siyang kilala tapos sumama na agad ako. I don't even know this guy's surname. Malay ko ba kung ano'ng klaseng tao siya?
"We're almost there." he said. I swear to God if he do something weird to me I won't hesitate to kick his balls.
Hindi nga siya nagsisinungaling. After a couple of minutes, tumigil kami sa harap ng isang bungalow house. Nai-park niya ang sasakyan niya malapit sa gate tapos ay niyaya na akong bumaba. Sa tagiliran ng bahay kami dumaan that led us to the backyard. Malawak ang likod ng bahay at may ilang puno ng mangga na nakatanim. Sa tabi nang puno ng mangga na parallel sa'kin may nakatayong white screen. Oh, outdoor movie night. Gusto ko tuloy pagtawanan ang sarili ko sa mga naisip ko kanina.
Iniwan niya muna ako saglit at pagbalik niya dala na niya 'yung projector at laptop niya. Nakapanood lang ako sa kanya habang nagse-set up siya.
"So, whose house is this?"
"My grandparents.. We used to watch movies here with them because of the spacious backyard. Ako, si Aaron at si Marge pero nung nawala sila bihira na kaming pumunta dito."
"I'm sorry about that."
"It's okay, naka-move on na naman kami." saglit siyang nagpaalam uli at pagbalik niya popcorn at comforter naman ang dala niya. Hindi naman obvious na handang-handa siya diba?
Nilatag niya 'yung dalawang comforter at naupo na kami. I suggested na action film na lang ang panoorin namin dahil purgang-purga na ako sa kapapanood ng mga romance films dahil kay Jen. The Expendables II ang pinili niya. Pamilyar ako sa movie dahil napanood ko na ang first film nito with my dad.
"So, are we friends now?" tanong niya sa'kin nang matapos ang pelikula.
Seriously, dinala pa niya ako dito at tinapos ang isang pelikula para lang itanong sa'kin kung magkaibigan na ba kami? "Oo na, sige na." Para siyang tangang nakangiti lang sa'kin at ako naman napangiti na rin. Darn. When did his smile became contagious?
Bago pa mapagod ang pisngi namin sa pag-ngiti sa isa't-isa niyaya ko na siyang magligpit para maihatid na niya ako. Almost 9:00 PM na rin naman at kailangan ko nang umuwi.
"Ang gwapo pala ng lolo mo pang matinee idol ang dating and your lola looked so regal." sabi ko habang pinagmamasdan 'yung charcoal painted portrait ng grandparents niya na nakasabit sa living room.
"Siyempre, kanino pa ba ako magmamana?" sagot niya mula sa kusina.
Sa ibaba ng portrait may nakahanay na mga litrato. Nakakatuwang tingnan ang mga pictures nila. They really are a close-knit family. Sa bandang unahan na hanay may picture ng batang lalaki na naka-Superman costume in a Superman pose. No doubt it was Brent.
"Look at this.. Ang macho mo pala dati, Brent. Di na ako nagtataka kung bakit patay na patay sa'yo 'yung ex mo."
Sakto namang lumabas na siya."Hey, stop looking at my photos. Baka ma-in love ka. Sige ka, ikaw rin."
"Ha-ha funny. Joker ka pala 'no. Bilisan mo na nga diyan."
Sa ilang oras na magkasama kami ni Brent, na-realize kong hindi naman pala siya talagang nakakainis. I enjoyed his company actually. Hindi lang siguro talaga maganda ang naging una naming pagkikita at umiral lang ang pagiging judgemental ko.
Halos mag-a-alas diyes na nang dumating ako sa bahay. Papasok na sana ako nang matanaw ko si Gem at si Aaron na magkasabay lumabas sa bahay nina Rasper kasunod ang huli. Humalik lang si Rasper kay Gem bago pumasok uli sa bahay nila. Ganito ba talaga ka-garapal ang girlfriend ni Rasper? Harap-harapang nanloloko?
Hindi naman ako likas ng chismosa pero imbes na pumasok at balewalain na lang ang nakita ko, hinintay ko muna kung may gagawin bang kakaiba ang dalawang 'to.
Tinanaw ko silang dalawa na sabay naglakad palayo sa bahay nina Rasper. Akala ko tutuloy na sila pero pagkatapos ng ilang hakbang tumigil sila. Aaron grabbed Gem's arm. He looked so upset, may pinag-uusapan sila na hindi abot dito sa kinatatayuan ko. I think they're arguing about something based on their gestures.
Papasok na sana ako at kakalimutan na lang na nakita ko silang dalawa nang biglang mapatingin sa direksyon ko si Aaron. Nag-iwas agad ako ng tingin at nagmamadaling pumasok. Teka nga, bakit ba ako pa 'yung parang guilty? Sila nga itong dapat mahiya dahil sila ang may ginagawang kababalaghan sa likod ni Rasper.
Pagpasok ko sa bahay sinalubong naman agad ako ni mommy. She's giddy and all that like a teenager. "Anong nangyari sa date niyo ni Angelo? Okay naman ba?"
"Wala pong nangyaring date, Ma," I answered flatly, "And could you please stop it? 'Yung pag-ma-matchmake sa'min ni Angelo it's not going to work."
"O, siya sige na," may sasabihin pa sana si mommy nang may kumatok sa gate, "Ako na ang titingin kung sino. Magpahinga ka na."
Hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit pambahay nang tawagin ako ni mommy. May naghahanap daw sa'kin na Aaron ang pangalan. Pinapapasok nga raw niya pero tumanggi naman. Hindi naman daw kamo magtatagal at may kailangan lang sabihin sa'kin.
Pagalabas ko, seryoso siyang nakatayo sa tapat ng gate at nakatingin lang sa'kin. Hindi na niya kasama si Gem. "Anong narinig mo kanina?"
Bigla akong nainis sa tono ng tanong niya. Ano bang gusto niyang palabasin? "Bakit? May dapat ba akong marinig?"
"Hindi ako nakikipag-biruan, Gabbi." kahit naka-salamin siya tumatagos pa rin sa'kin ang intesnsity ng titig niya. Para siyang Professor ko noon sa College kapag naninita ng estudyante niya.
"So am I. Kung ayaw mo palang may ibang nakakakita sa inyo ng girlfriend ni Rasper better go in a private place, hindi 'yung nakakalat kayo in public tapos magagalit ka 'pag may nakakita sa..." itutuloy ko pa sana ang litanya ko pero naisip kong wala naman ako sa lugar. "Wala akong narinig, okay. Don't worry hindi ako chismosa at hindi rin ako pakialamera."
Hindi na siya sumagot. Tumango lang siya at naglakad palayo. Kung tama nga ang hinala namin ni Jenny, poor Rasper.

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.