"Girls, I'm getting married!"
Makikipagpustahan ka ba sa'kin if I tell you that it's a 10 out 10 chance ako ang laging receiving end ng ganyang balita and never me breaking them that kind of news? Because according to my exes, I'm not the marrying type. Bullshit! Ayaw lang nila ng strong independent girl na hindi nila kayang manipulahin. It's not like I want to get married anytime soon, I don't know if I'm into that kind of commitment even, but it would've been nice to know that there's someone who wants to spend the rest of their life with you no matter how difficult life or you can get. Okay, that's cringe.
"Bakit hindi ka gumaya sa ate mo? Kahit kailan hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo."
Si ate mo ganito, si ate mo ganyan. Ever since I was a kid, litanya na 'yan ng lola at nanay ko. Kumakain pa lang ako ng almusal bago pumasok sa eskwela ay 'yan na ang maririnig ko sa umaga. Why do parents feel the need to compare their kids? Yes, I know mas magaling talaga si ate sa'kin sa lahat ng bagay. Tanggap ko na 'yun pero kailangan pa bang ipagduldulan sa mukha ko? If I can't be like her, does it make me any less of a person? Can't I be my own kind of person?
"I'm sorry. This relationship is not working anymore."
Oo, alam ko na ang kasunod niyan. Mag-break na tayo, kailangan muna natin ng space, it's not you it's me. Yada yada yada. I even memorized the lines. Sa paulit-ulit ngang eksena, it's like I'm watching a TV show in an endless loop of misery. Paulit-ulit nasusugatan, paulit-ulit nasasaktan pero umuulit pa rin sa katangahan.
Talunan sa magkakaibigan. Talunan sa pamilya. At talunan sa pag-ibig. Ako si Gabbi. Lahat ng bagay sa buhay ko sablay.

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.