Chapter 04

135 2 0
                                    

Chapter 04

Hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako. Tamang-tama, magjo-jogging ako ngayon para ma-burn 'yung mga fats na kinain namin nina Jen kahapon. Tulog pa sina Mommy nang silipin ko sila sa kwarto, pati rin si Nanay. Tahimik akong bumaba at lumabas ng bahay. 

Ilang minuto pa lang nagwa-warm up ang katawan ko nang may bumati sa'kin, "Hi Gabbi. Good morning." Nagulat na lang ako nang sumulpot sa likuran ko si Brent habang nagjo-jogging ako. Hindi ko naman sya napansin kanina. May lahing kabute lang?

"Likewise." I answered without bothering to look at him. "Maiba ako, bakit nandito ka pa? Inaabangan mo ba ako?" I know the question sounds so assuming pero ano pa bang dahilan at nandito sya? He doesn't even live here.

"What? I like to jog here. Masama ba?" nginitian pa nya ako. Sorry pero di effective.

Hindi ko na sya pinansin at tumuloy na lang ako sa pagjo-jogging ko. Pero sadya talaga syang makulit at sinabayan pa rin ako. 

"Hey,"

Naiinis na ako ah. Gusto nang kumulot ng buhok ko sa kakulitan nya. "Kung gusto mong mag-jogging dito, fine. Just don't bother me."

He shrugged. "Okay." Tapos umiba na sya ng daan. Hay, buti naman at nawala na 'yung asungot. I can now jog peacefully.

Nang matapos akong magjogging tumuloy ako sa 7/11 para bumili ng bottled water, tutal malapit na naman ako. Nasa counter na ako and guess what? Sumulpot na naman 'yung kabute.

"So, nagbago na ba ang isip mo in the past 12 hours, honey?"

What the heck? Honey daw. Eh kung sinasaboy ko kaya sa kanya itong tubig na hawak ko nang magising sya. Tinitigan ko na lang sya ng masama.

Imbes na mag-back off inakbayan pa nya ako. Pinalis ko ang kamay nya, nagbayad na sa cashier at lumabas na. "What the hell do you want? May paakbay-akbay ka pa. We're not even friends."

Nakasunod pa rin sya sa'kin. "Then let's be friends."

"No."

"Can you give me a valid reason why you answered no?"

"Because I don't want to."

"Why?"

"Because I don't like you."

"Why?"

Dammit! Para akong nakikipagtuos sa sampung kinder students sa paulit-ulit nyang pagtatanong. "I swear I'm going to punch you if you don't stop."

"Weh?"

"Wag mo akong subukan gagawin ko talaga."

"Ow?"

Asdfghjkl! Susuntukin ko sana sya pero nakailag sya. "O, akala ko ba susuntukin mo ako?" then he gave me that irritating grin.

"Ewan ko sa'yo." tinuloy ko na lang ang paglalakad ko kesa makipagusap sa retard na 'to.

JENNY

12 notifications. Scroll, scroll, scroll. Ang aga-aga Facebook agad ang inaatupag ko. Siguradong mababatukan ako ni Mama 'pag nakitang itong phone agad ang hawak ko hindi pa man ako nakakapagmumog.

At habang ini-scroll down ko ang mga notifications ko I saw one that made my heart flutter. Yes! Rasper accepted my friend request! Woohoo! Magkakaron na rin ako ng access sa mga posts nya. Pwede ko na rin syang maka-chat. Yes talaga!

Bumangon na ako, naligo at nagbihis. Nagtaka pa sina Mama dahil hindi ko na hinintay ang breakfast. Bago ako makalagpas sa gate narinig ko pa si Charles na chinichismis na ako kina Papa. Ang daldal talaga.

Little Miss LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon