Chapter 07
Ang ingay sa bahay nang makauwi ako. Parang ang daming tao at nagtatawanan pa sila. Pagbukas ko ng pinto nakita ko kung sino ang dahilan kung bakit maingay sa bahay. Nakauwi na pala sina Ate Krista at 'yung asawa niya, si Kuya Archie. Plano kasi nilang magpakasal din dito sa Pilipinas kahit na kasal na sila sa US.
"Hi, Gabbi!" lumapit agad sa'kin si Ate at niyakap ako ng mahigpit. "I missed you, Sis."
Gumanti rin ako ng yakap. "I missed you, too, Ate Krista."
Tinawag niya ang asawa niya at pinakilala sa'kin. Kuya Archie hugged me too. Pinagmasdan ko siya, I must say Ate made a good choice. Bukod sa gwapo at mestiso at may kaya sa buhay, kitang-kitang mahal na mahal niya ang kapatid ko. I could tell by the way he looked at her.
Nabuhay na naman 'yung inggit na matagal ko nang isinantabi noon. Yes, masaya ako para sa kanya but I'm jealous at her too at the same time. I shoved the feeling away immediately. Hindi naman ako dapat nagkakaganito. Matagal ko nang sinaksak sa kukote ko na hindi dapat but why couldn't I help it?
Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng snack bago pa kung ano-ano ang pumasok sa isip ko.
"Oo nga pala, Ma, bukas ang dating ng parents at brother ni Archie. Around 6:00 pm siguro." narinig kong sabi ni Ate Krista.
Itinigil ko muna ang ginagawa ko at sumilip ng bahagya sa sala. Si Mom at Ate na lang pala ang naiwan dun.
"Single pa ba 'yung kapatid ni Archie?"
I rolled my eyes with what I heard. There goes Mom again. Alam ko namang wala pa siyang balak pumayag na pumasok ako sa relationship pero alam ko 'yung plano niya in which I strongly disagree. Gusto niyang makahanap rin ako ng tulad ni Kuya Archie para hindi raw ako matulad kina Tita Lolly at Tita Marilyn na sila pa 'yung nagtatrabaho imbes na 'yung padre de pamilya.
Nandun na tayo, gusto niya lang akong mapabuti tulad ng gusto ng ibang magulang para sa anak nila. But geez, I may not be a role model daughter like Ate but I am not stupid enough to choose an irresponsible guy na gugutumin lang ako.
Ganun ba ka-naive ang tingin niya sa'kin?
Pagkatapos naming mag-dinner kasama ang mga kapatid ni mommy na sina Tita Lolly at Tita Marilyn, kasama ang mga asawa nila at mga pinsan namin, pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako samantalang wala naman akong masyadong ginawa kanina.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-umpisang mag-type ng kung ano-ano tapos ay binubura ko rin. When I got bored, I scrolled through my contacts. I dialled Brent's number unconsciously. I-e-end call ko na lang sana dahil wala naman talaga akong balak tumawag pero nasagot na niya.
"Gabbi. What's up? Himala ata at ikaw ang unang tumawag sa'kin ngayon. Uyyy, miss mo ko?" Halos isang buwan na rin simula nang maging 'friends' kami ni Brent and ever since siya lagi ang tumatawag kapag gusto niyang makipag-puyatan.
I rolled my eyes. Over-confident talaga ang isang 'to. "I just accidentally dialled your number. Asa ka naman."
I heard him laugh. "Of course, you will deny it. " Nung hindi ako nakitawa, nagtanong siya, "What's wrong? May problema ka ba?"
I sighed. "Nothing." tanggi ko. Boys don't like drama and I'm pretty sure he'll just get bored with what I'm about to tell.
"Nasa bahay ka na ba? I'll go there and fetch you, okay?" hindi na niya hinintay ang sagot ko at in-end call na agad niya.
Tinawagan ko uli siya at sinabing ako na lang ang pupunta pero hindi pa man ako nakakakalahati sa sinasabi ko ay may kumatok na sa gate. Hindi ko na inabala sina mommy at nanay sa panonood nila ng teleserye at ako na ang lumabas.

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
Chick-Lit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.