Chapter 09
"What do you think about Daniel, anak?" Mommy asked while we're on the way to pick up Ate Krista's wedding gown. The wedding will be in two weeks time kaya naman inaayos na namin lahat ng kailangang ayusin. Actually, mas stressed pa nga si Mommy kaysa kay Ate na parang siya 'yung ikakasal.
"Wala." I answered dryly, my eyes still on the road.
"Anong wala? Of course meron kahit paano." segunda naman ni Ate Krista na nasa tabi ko.
I glanced at them. "Gusto niyo ba talagang malaman? Honestly, I think he's cute." napangiti naman sila pareho sa sinabi ko pero napawi din agad nung dinugtungan ko ng, "but gay."
Mom's forehead creased. "Paano mo naman nasabing bakla siya?"
"Ang obvious naman, Ma e. Kitang-kita dun sa picture na ipinadala ni Ate last year. Tapos kahapon ang lambot pang kumilos, mas barako pa nga ata ako sa kanya e. Ah, basta nung nakatabi ko siya nag-alarm agad ang gaydar ko. Kaya please lang Ma, Ate, stop this matchmaking thingy already. Okay lang kung friends pero lover? Nah."
Mukha naman talagang mabait si Daniel, sinundan pa nga niya ako kagabi sa patio at nag-apologize dahil daw sa kadaldalan ng Mama niya. Masarap din siyang kausap, sa totoo lang, pero 'yun lang 'yun. He's definitely not my type.
"Gusto lang naman kitang matulad sa ate mo. 'Yung stable na ang buhay at wala nang inaalala. Hindi ba nakakatuwa sa isang magulang na makita ang mga anak niya na maayos ang buhay."
With that, I shut up. Heto na naman kami e. Paulit-ulit na lang. Ilang beses ko na bang sinabi na ayoko ng mga ganitong arrangements pero ipinipilit pa rin niya. Why won't she listen to me? Hindi ba talaga mahalaga sa kanya ang opinyon ko?
I saw in my peripheral vision that Ate Krista glance at me and I get it. I could almost hear her saying 'Just let Mom be, magsasawa rin siya eventually'. Tulad noong mga bata pa lang kami kapag sinesermunan.
Mabuti na lang at nakarating na kami sa boutique kaya nabaling na sa iba ang atensyon ni Mommy. Hindi na ako sumama sa kanila sa loob sa pagkuha ng gown at naghintay na lang ako dito sa sasakyan. Baka doon pa maisipang ituloy ni Mommy ang litanya niya. Mommy's like that sometimes which really annoys me, 'yung kahit hindi na ako umiimik tuloy pa rin siya.
Pagkatapos naming makuha 'yung gown ni Ate, dinaanan namin si Kuya Archie sa apartment na tinutuluyan ng parents niya at tumuloy kami sa restaurant ni Ninang Tessie para sa taste test. Mabuti naman at hindi na kami sa unit niya pumunta dahil ayoko nang maalala na na-stuck ako doon kasama si Aaron.
Speaking of the devil, heto at makakasalubong pa namin silang dalawa habang papasok kami sa resto. Yes, magkasama na naman si Aaron at Gem. Sa dami naman ng restaurant na pwede nilang puntahan, bakit dito pa? Bakit ba simula nung makita ko silang magkasama sa labas ng bahay nina Rasper, madalas ko na silang makita kahit saan ako pumunta? Seriously? Was coincidence playing some kind of a joke on me? Rasper should be the one seeing this and not me.
Here comes his piercing gaze again when our eyes met. Para bang lululunin niya ako ng buo sa titig niyang 'yun. Umiwas na lang agad ako ng tingin at kunwari ay hindi ko sila nakita.
Hindi ko alam na napansin rin pala ni Ate kung paano makatitig si Aaron kaya tinanong niya kung sino 'yun.
I shrugged and pretended I didn't notice. "Ha? Sino?"
"Yung lalaking naka-eyeglasses na nakasalubong natin. Grabe ang titig sa'yo e."
"Wala, hindi ko kilala. Baka nagandahan sa'kin kaya ganun makatitig." biro ko na lang.

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.