Chapter 03

151 4 0
                                    


"Sino kayo? Anong sinisilip niyo d'yan?" sita ng lalaki at pinasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ginantihan ko rin siya ng tingin. He's actually good looking. He's tall, his skin is slightly tanned, wavy ang buhok at maganda rin ang physique niya. Pero teka nga, bago ko i-assess ang level of attractiveness niya, sino ba ang lalaking 'to? Ngayon ko lang siya nakita dito.

"Are you done?" the guy gave me an irritating smirk.

I asked Jen to help me up. Medyo masakit pa ang likuran ko dahil sa pagkakapaupo na mas lalo lang nakadagdag sa inis ko. "Excuse me? Are you saying that I was staring at you? Hindi ba ikaw naman ang nauna? I just returned the favor."

His smirk was replaced by a laugh. "How interesting."

"Gabbi, I think we better just go." Bulong ni Jen at hinila na ako palabas ng gate.

I wanted to scold her. Kung hindi naman siya nagyaya dito at kung nakinig sana siya sa'kin ay wala sana kami sa ganitong sitwasyon.

Naiharang agad ng nakakairitang lalaki ang sarili niya. "Hep, not so fast. Hindi niyo pa ako sinasagot."

Before I could answer, Rasper and Gem popped out on the front door. "Anong meron dito? O, Jen, Gabbi."

"I caught these two peeping on you." He paused. "Teka, kilala mo sila?"

"Oo naman. This is Gabbi, kapitbahay namin, at ito naman si Jen, best friend niya." Bumaling naman sa'min si Rasper at tinapik sa balikat ang lalaking katabi na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa'kin. "This is Brent, one of my best buds and this is my girlfriend, Gem."

Gem nodded and smiled at us.

"Pasensya na, Ras, may naiwan kasi kami sa sasakyan mo. Nahiya naman kaming abalahin kayo ni Gem."

So we went home with me having another injury. I scraped my palms when I fell that I only noticed when we were home. This day is really the worst! Hindi ko rin makakalimutan ang Brent na 'yun. Matapilok sana siya, o kaya masamid o kaya ma-flatan ng gulong. An idea suddenly popped into my mind. But I quickly erase the thought. Kung itutuloy ko ang naiisip ko, madali niyang malalaman na ako ang gumawa nun.

"I told you hindi na tayo dapat pumunta. Tingnan mo napagbintangan pa tuloy tayo ng lokong 'yun. Pasalamat siya kaibigan siya ni Rasper kundi mas matindi ang matitikman niya."

"Kung tutuusin totoo naman talaga. Malay ko bang nandun ang Brent na 'yun."

I glared at her. "Kaya mo ako sinama e 'no? Para kapag nahuli ka hindi lang ikaw ang mapapahiya."

"Uy, grabe ka sa'kin. I just don't want you to miss out on my adventures and besides friends the do crazy things together, stay together."

"Mukha mo. Look, nagasgasan pa tuloy ako."

Umalis sandali si Jen at pagbalik niya may dala na siyang first aid kit. She grabbed my hand and cleaned the scratches.

"Grabe, kailan ka pa huling naglinis ng kuko? Chipped na 'tong nail polish mo. And to think na nakipagkita ka nang ganito kay Angelo."

"What? E sa tinatamad ako e."

Umiling siya. "You're really hopeless. Maiba ako, napansin ko 'yung tingin sa'yo ni Brent ah. Ang intense."

"Akala niya siguro hindi ko siya kayang patulan. Ayoko nang pag-usang ang lokong 'yun. Ang mabuti pa magluto ng tayo ng dinner kasi mag-aalas sais na."

Pagkatapos ng hapunan nagyaya si Jen na manood ng chickflick movie. Seriously, doesn't she get tired of watching these kind of movies? Ako oo, pero dahil love ko 'tong bruhang 'to nakikinood na rin ako sa kanya kahit na naiinis siya sa'kin kapag nag-co-comment ako ng nega.

Little Miss LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon