Chapter 05
"Let's get back together, Gabbi. I realized I was wrong. Mali. Maling-mali ang ginawa ko. Hindi kita dapat sinaktan. Pinagsisisihan ko ng malaki ang ginawa ko sa'yo."
Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong tumawa. Akala mo kung sinong mabait na nagmamakaawa at nagpipilit umiyak. Hah! Nung isang araw lang ang tapang niya makipagbreak dahil ano? May iba kasing sasalo sa kanya. Siguro nagsawa na agad siya sa babaeng ipinalit niya sa akin kaya ngayon heto siya gustong bumalik. "So, what do you want me to do? Take you back again? Sorry Angelo but it ain't easy."
"I know. All I want is for you to give me another chance. I’ll court you again if I have to, just give me a chance and I will right my wrongs. No, even if you say no I'll do whatever it takes for you to take me back again.”
Oh, please! Narinig ko na ang mga salitang ‘to noon. Just give me another chance cliché. Nakakasuka na. Naniwala ako noon pero ang ending ganun pa rin. When they got tired and got bored they'll leave you again whenever they please.
"Ang sarap pakinggan. I wanted to believe it but I'm sorry If Ican't trust a word you say anymore."
His words that day all came to me. Nung araw na minalas ako at nasiraan ng sasakyan. So, eto na pala 'yun. Inuumpisahan na niya.
"Anak, hindi mo sinasabi may cute ka palang manliligaw." sabi ni Mommy.
Pwet niya cute. I wanted to say but decided to keep my mouth shut. Saka kailan ba kasi sila naging interesado tungkol sa personal na buhay ko? Sagot ng isip ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Angelo at pinukol siya ng masamang tingin na buti na lang hindi napansin ni Mom.
"O, sige maiwan ko na kayong dalawa. May gagawin lang ako sa kitchen." At bago pa kami iniwan ni Mom nginitian pa niya ng makahulugan si Angelo. I mean, like, seriously? Ano'ng ipinakain nitong si Angelo kay Mom at nagustuhan agad siya?
"Look, Angelo. I appreciate this okay. But just because my Mom seemed to like you doesn't mean it's okay with me for you to come here whenever you want. " I said, almost a whisper. "I'm not trying to be rude but If you'll excuse me may pupuntahan pa kami ni Jen."
Iniwan ko na siya at umakyat para mag-ayos. At bago ako bumaba sinigurado ko munang nakaalis na siya. Nagtaka pa si Mom kung bakit umalis agad si Angelo. "Baka natakot kay Meggy," 'yung aso namin. Sagot ko na lang bago ako lumabas.
"Ikaw talaga, Gabbi. Bakit naman ini-snob mo si Angelo? Nag-effort pa man din 'yung tao para dumalaw." sabi ni Jen na mukhang nakalimutan na ata ang nangyari kanina.
"Dalaw? May sakit ba ako? Saka hindi ko naman siya ini-snob ah. Kinausap ko naman diba? What do you want me to do? Makipagplastikan pa sa kanya?" I snorted.
She rolled her eys. "Ayan, ayan ka na naman e. Malay mo naman nagbago na talaga siya."
"Men like him doesn't change and doesn't deserve second chances. Believe me."
Nag-kibit balikat na lang siya at sumakay na sa sasakyan. Habang nagda-drive nag-umpisa na naman si Jen sa pagtatampururot niya kay Rasper. Naiiling na lang ako na natatawa sa kanya pero syempre hinayaan ko lang siya sa pag-e-emote. Ganito talaga siya, hayaan mo lang maglabas ng sama ng loob hanggang magsawa tapos mamaya ay parang wala nang nangyari.
Nang makarating kami sa mall bumalik na uli ang energy niya at nagyaya agad siyang kumain. Don't judge us. Kapag ganitong na-i-stress kami, pagkain talaga ang ginagawa naming comfort.
BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.