The guy in front of us is none other than my other ex-boyfriend, Ryan Corpuz. Si Ryan na nililingon ng bawat babaeng makasalubong niya dahil sa pamatay niyang ngiti. Idagdag pa 'yung katawan niyang pwedeng gawing cover sa Men's Magazine pero habang kaharap ko siya ngayon, natanong ko na ang sarili ko ng, "Anyare?"
Nabawasan na 'yung dati niyang nag-uumapaw na appeal at halatang nadagdagan ang timbang niya. Nanlalalim din ang mga mata niya na parang ilang araw nang walang tulog. He looks miserable.
I remember when I first met him in college. It was the campus' Foundation Day. Nangyari namang magkatabi ang booth namin noon. I remember gawking at him like some hungry vulture. Hindi ko nga alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob noon para i-approach siya. Then it just happened. Naging kami agad.
My relationship with him was very brief though. Tatlong linggo lang ang itinagal namin. Pinakamaikli sa lahat ng mga naging relasyon ko. Nakakatawang isipin na kung gaano kabilis naging kami ay ganoon din kabilis natapos ang relasyon namin.
Ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay, hindi daw pala niya ako mahal. Nakakagago lang 'di ba. I thought that was the worse but I was wrong. Ilang araw pagkatapos ng breakup namin doon ko lang nalaman na may girlfriend na pala siya bago pa man kami magkakilala. Tangina lang! Pinaglaruan ako ng tarantado.
But being the weak girl I once was, I did nothing. Tahimik lang akong umiyak sa balikat ni Jen.
I love you. Doon ko na-realize na ang dali-dali na lang sabihin ng salitang 'yan. Kahit kanino pwede mong sabihin ang salitang 'yun kahit wala kang nararamdaman para sa taong 'yun. Sabi pa nga sa isang kanta ng Snow Patrol, those three words are said too much but not enough.
"Hi, Bi. Kumusta na?" I cringe at the endearment. Iyon ang tawag niya sa'kin noong kami pa.
Naalala ko pa n'ong nagkasalubong kami sa campus tatlong araw pagkatapos ng breakup namin. Nakuha pa niya akong ngitian habang kasama ang girlfriend niya. Wala man lang bakas ni katiting na guilt sa mukha niya noong araw na 'yon. Making a girl fall for him is just like a game to him and screw him for that. So if he's miserable right now, he deserves it.
I gave him my sweetest smile. "I'm great! Ikaw kumusta?"
Yeah, great. What a great timing to see your ex-boyfriend. Kailangan ko talaga ng mapaglalabasan ng frustrations ko. Oh, if only I could punch him in the balls right now.
Napansin ko ang bahagyang pagsimangot ni Jen. I thought I even heard her snort.
"I'm okay. Anyway, are you busy? May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?" nakangiti pa rin niyang tanong.
"Yes. We're actually just waiting for our order. Naghihintay rin kasi 'yung boyfriend ko sa labas." I felt silly for saying that. Ang gusto ko lang naman talaga ay mawala na ang pagmumukha niya sa paningin ko. 'Wag nga lang sana siyang maghanap ng actual na boyfriend dahil 'di ko na alam ang idadahilan ko.
Jen got it right away and stood up. "Pasensya na, Ryan. Nice to see you again, by the way."
As if right on cue, tinawag na kami ni Tammy para sa order namin. Nagmadali naming kinuha ang order at lumabas ng café. Hindi na namin napigil ni Jen ang tawang kanina pa namin pinipigil nang makalabas kami. Hindi ko akalaing pwede na pala kaming mag-artista.
"I can't believe you really said that, Gabbi. Naghihintay rin kasi 'yung boyfriend ko sa labas." She laughingly said, mimicking me. "What if hinanap niya 'yung imaginary boyfriend mo? Ano'ng gagawin mo?"
"I don't know. I'll probably make another excuse again. O kaya hihila na lang ako ng random guy sa labas."
"Siraulo ka talaga."

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.