Chapter 10
I was sitting beside Daniel the whole trip to Tagaytay because that's what mommy requested. And me being the trying-to-be-the obedient-daughter, I complied. Kaysa mauwi na naman sa pagtatalo.
Wala namang problema sa'kin iyong pagtabi sa kanya, ayos lang din kahit buong araw ko pa siyang katabi. Ang totoo niyan magkasundo naman kami ni Daniel. What I dont' like is, Mom keeps on pushing the romance to happen between us which is really impossible.
Nagkalinawan na kami ni Daniel nung nakaraang gabi na hindi namin gusto ang isa't-isa sa romantic na paraan. He said he still has so much things he wants to do with his life and having a relationship isn't one of them yet. Ganoon din naman ako. After Angelo, I don't think I would want to be in a relationship again just yet. Having a crappy relationship all the time is emotionally exhausting.
"Boyfriend mo ba 'yung lalaking kasama mo kanina?" tanong ni Daniel habang pumipili kami ng mga pasalubong sa isang souvenir shop.
"What? No, why?"
"Ang sama kasi ng tingin sa akin kanina, parang gusto akong sapakin. Kulang na nga lang ay hilahin ka niya pabalik sa kanya."
"Don't mind him. Ganun lang talaga 'yun. Papansin."
"Well, I don't think so. I think he likes you."
Natawa ako ng bahagya. Brent likes me? Yeah right, he likes to make fun of me. "Don't be ridiculous. Brent and I are just friends. Paborito niya lang ata talaga akong pag-tripan. 'Yun lang 'yun."
"Talaga? 'Yun lang 'yun? Alam mo doon minsan nag-uumpisa ang isang relasyon. Sa pag-aasaran."
I eyed him. "Ano namang alam mo sa relationships? E balita ko NGSB ka raw. Alam mo bagay kayo ng best friend ko. Her name is Jenny Cassandra but we call her Jen. Sometimes we call her Chin-chin dahil chinita siya."
"Wow. Ang lakas mag-iba ng subject. Nahahalata ka tuloy."
Pabiro ko siyang inirapan.
"Basta pupusta ako hindi matatapos ang linggong ito magtatapat na siya sa'yo."
"Sure. But if he doesn't and I win you're going to be my slave until you're here." and I laughed an evil laugh. Nanlaki naman ang mga mata niya kaya mas lalo akong natawa. "Just kidding. Hindi naman ako ganun kasamang tao."
Ilang araw lang ang lumipas, habang kumakain kami kina Rasper ng dalang meatball spaghetti ni Jen, may ipinakilala sa aming babae si Brent. Magka-hawak kamay silang pumasok. Just as I predicted, I was right. Kung tinotoo ko pala 'yung sinabi ko, nagka-slave sana ako ng dalawang linggo.
"Hi, Princess." nakangiting bati ni Rasper sa kasama ni Brent.
"Hi, Ras. How's you and Gem?" maarteng turan nito. Hindi sa hinuhusgahan ko siya o kung ano pa man pero unang sentence pa lang niya ay naramdaman ko na agad na hindi ko siya makakasundo.
"Mabuti naman. Going stronger." malawak ang ngiting sagot ni Rasper.
Napasimangot si Jen at tinapunan agad ako ng tingin na parang nagtatanong kung sino at ano nila ang babae. I just shrugged. Tulad niya wala din akong clue. Ngayon ko lang din nakita ang babaeng kasama niya.
The girl is slim and tall and she's wearing a knee length floral dress. Kulot at hanggang bewang ang ash blonde nitong buhok, mala-porselana din ang kutis nito na parang kahit kailan ay hindi tinubuan ng pimples.
"Guys, I want you all to meet Princess Elaine." pagpapakilala ni Brent sa kasama. Pangalan pa lang aristokrata na ang dating. So Princess Elaine is a family friend at isinama siya dito ni Brent dahil bored na daw ito sa bahay nila.

BINABASA MO ANG
Little Miss Loser
Romanzi rosa / ChickLit[ONGOING] Breakup dito, breakup doon. Hindi na mabilang na failed relationships. Napag-iiwanan sa magkakaibigan. Never good enough para sa pamilya. 'Yan si Gabbi. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya sablay.