Messenger
4:30 PM
Zach
Hi po! Good aftie!Thanks po sa accept
Melissa
Welcome poZach
Taga-saan ka po pala?Melissa
Manila poZach
Ay... sabi nila magaganda raw
nakatira d'yan hihiMelissa
Ikaw kuya, saan ka nag-aaral?Sa Westside Eulogia High
School rin po ba?Zach
Hindi, taga-Manda akoMelissa
Huh? Saan po 'yon?Zach
Secret hahaSige ate ganda, mamaya na
po ulitMelissa
Ok poZach
Ate ganda na tawag ko sa'yo,
maganda ka naman e...Maya ulit ate ganda, mwaps!
Huminga ako nang malalim pagkatapos kong ibaba ang cell phone ko sa mesa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I never chatted someone like this before. Masyadong corny si kuya, 'di naman kami close. Ate ganda raw itatawag niya sa akin, so corny.
Ang bilin din sa akin ni mama, huwag makikipag-usap sa hindi ko kakilala. But if someone is being friendly to me, it's okay. Basta hanggang chat lang daw. My mom is very conservative, ako lang kasi ang nag-iisang babaeng anak nila kaya strikto si mama sa akin.
Speaking of Zach again, I don't really know him. I think I just accepted his friend request since nagandahan ako sa profile picture niya. It's an animated image and I don't know where it came from, but it's cute. Pati 'yong kulay, cute—nakakapang-akit. I was actually trying not to cringe earlier when he said he will be using the new nickname 'ate ganda' for me. I'm not used to it and I don't know why he chose that one.
"Sobrang corny..."
"May mwaps pa... ano 'yon?" naiiritang tanong ko sa sarili ko.
Basta't ang alam ko, may balak pa siyang kausapin ulit ako. I'll just try my best to act normal and nice to him. I think he's just being friendly. Sabi rin ni mama na huwag akong masyadong maldita dahil hindi talaga ako magkakaroon ng kaibigan kung gano'n ang ugali ko.
Narinig ko ang boses ni kuya sa baba nang makauwi siya, kaya nagmadali akong lumabas ng kuwarto ko at bumaba ng hagdan para salubungin siya. Lagi kasi siyang may dalang pasalubong para sa amin ni mama 'pag uuwi siya. Since nasa school pa si Kai, magtitira na lang kami ng pasalubong ni kuya para sa kaniya.
"Ma." Nagmano si kuya kay mama bago pa man niya ako yakapin.
"Kumusta school?" tanong ni kuya sa akin habang ibinababa niya ang bag niya.
"Okay naman, kuya."
"Ano pala 'yang pasalubong mo?" tanong ko at nagtungo kami sa dining table. Doon inilapag ni kuya ang paper bag na dala-dala niya.
BINABASA MO ANG
My Anonymous Online Boyfriend ✔️
Teen FictionOnline dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who became a huge part of her life--the first person she loved in a romantic way. It all started with a simple message, they became more than j...