Chapter 8

85 22 28
                                    

Papasok pa lang ako ng school gate ay nakasalubong ko na agad si Nick. Maaga na naman siyang pumasok, parang hindi siya napapagod kasi buong araw siyang nandito sa school, at para bang whole day ang klase niya.

"Melissa!" Kinawayan niya ako mula sa malayo nang makita niya ako.

Imbis na ako ang lalapit sa kaniya ay siya na ang nanguna. Hahakbang na sana ako pero inunahan na niya ako. Tumakbo siya papalapit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Matagal pa naman ang umpisa ng klase kaya medyo mabagal lang ang paglalakad ko.

"Nick, ang aga mo na naman ah? Hindi ka ba napapagod?" He smirked and shook his head.

"Sanay na ako—"

"Kuya Nick!" sabay-sabay na isinigaw ng limang babae nang makita nila si Nick. Kumaway naman pabalik si Nick sa kanila at kita ko sa mga mukha nila ang kilig.

I don't feel that though I'm with Nick. Wala akong nararamdaman. Alam kong umamin na siya sa akin dahil tinawag niya akong crush last time. Nakakagulat lang din pero hindi ko naman mapipigilan ang pagtingin niya sa akin. I'm not being arrogant or something, this is new for me as well. Hindi ko lang naman talaga kayang pigilan ang nararamdaman niya sa akin dahil iyon ang nasa puso niya. I'll just let it happen, but it's not my fault since I've already warned him that I can't yes, lalo na't may long distance relationship ako. Oo, pinapanindigan ko na si Zach. Wala naman na akong magagawa.

"'Buti hindi ka inaantok, kuya?" Dahan-dahang bumagal ang paglalakad ni Nick at napatingin sa akin habang nakangiti habang may pagtataka sa mukha niya.

"Kuya? Bakit may kuya pa?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Wala lang, sinubukan ko lang—"

"Hindi naman ako antukin, ate," biro ni Nick sa akin at bahagya akong natawa.

He's pretty playful, I've never seen him like this before. I mean, halos lahat kasi ng athletes sa school namin ay seryoso—bukod tangi talaga si Nick ngayon. Napakabait, napakasaya kausap. But he's just a friend to me. I can't say more than that. Wala naman kasi talaga. I treat him like an older brother or friend, nothing more.

"Okay po, kuya." Bumelat ako sa kaniya at binilisan nang kaunti ang paglalakad ko.

Napansin kong sinusundan pa rin niya ako kahit papaakyat na ako ng second floor, napatingin ako sa kaniya sa likod at napatigil sa paglalakad at gano'n din siya.

"O? Bakit?" tanong niya at aakmang aakyat din ngunit hinarangan ko ang dadaanan niya.

"Saan ka pupunta? Wala ka namang pasok ngayon ah?"

"Mamaya ka pa, 'di ba?" Natawa na lang siya sa naging reaksyon ko.

"Ano pa ba? E 'di sasamahan ka papunta sa room mo. Lika na!" yaya niya sa akin at patuloy siyang umaakyat, samantalang ako naman ay nakatitig lang sa kilos niya.

"Baka ma-late ka pa, tara na!" utos niya sa akin. I shrugged my shoulders and went upstairs.

Bago pa man kami makarating ng fourth floor, amoy pawis na kami. Papasok nang fresh pero hanggang school gate lang 'yon. Pagpasok kasi namin sa school pawis na pawis na kami dahil nasa fourth floor pa ang room namin. Ang saklap ng buhay.

"Ang tanga ko naman!" Nagulat ako nang sabihin iyon ni Nick habang nakatitig siya sa akin.

Napatigil kaming dalawa sa paglalakad at natulala lang ako sa kaniya. "Bakit?"

"Hindi ko nabuhat bag mo, bawas hirap din 'yon sa'yo 'pag aakyat ka e." I rolled my eyes and grinned after hearing him.

"Wala 'yon! 'Di naman gaanong mabigat 'tong bag ko e—" bago ko matapos ang sasabihin ko ay na-out of balance ako nang itaas ni Nick ang backpack kong nakapasan sa likod ko. Mabuti na lang ay mabilis niya akong nahawakan sa kaliwang braso ko.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon