Chapter 38

81 20 40
                                    

Nagising ako sa naririnig kong katok sa pinto ng kuwarto ko. "Mag-almusal ka na, nak!"

I slowly sat on my bed and start to rub my eyes. Yesterday was a blast. Maraming ganap kaya pag-uwi ko rito, pagod na pagod ako. Hanggang alas dos kami sa school kahapon at kahit pinapauwi na kami ng ibang teachers ay ayaw paawat nila Lory. Hanggang sa pag-uwi namin ay maiingay sila, samantalang ako ay tahimik na lang. We were with Theo and Nick yesterday. Hinatid nila kami papauwi, at masasabi kong mas lalong napapalapit si Nick sa akin kahit na hindi ako nagbibigay ng motibo.

"'Yong rose... 'yong rose!" Mabilis akong tumayo mula kama ako at lumundag pababa. Nilibot ko ang paningin ko sa studying table ko ngunit wala akong nakitang rose.

"Saan ko 'yon nilagay?" I crossed my arms and bit my lower lip. I started to search for it everywhere, and I spotted it just on my bed.

Kinuha ko ito mula sa kama at muling tiningnan. It's starting to wither. Baka bukas, lanta na itong rose, at tanging ang sticky note na lang ang maisasalba ko. Iyong rose naman na bigay ni Nick sa akin ay hindi ko na rin alam kung saan ko inilapag. Mas nagkaroon ako ng interes dito sa hawak kong rose dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung kanino nanggaling ito. Ngayon ko lang nalaman na bukod kay Nick, someone is secretly admiring me too.

"I hope I could meet you one day..." nakangiting bulong ko habang ang titig ko ay nasa pulang rosas pa rin.

***

"Ate, tawag ka ni kuya."

Tumingin naman ako kay mama, abala kasi kami ngayon sa pagluluto ng tanghalian namin. At itong makulit na si Kai, kanina pa ako tinatawag kahit alam ko namang hindi ako tinatawag ni kuya. Nabanggit kasi ni kuya sa akin na huwag daw namin siyang guguluhin dahil busy siya sa assignments niya at kailangan din niyang ipasa ang mga iyon ngayon. Sadyang sinungaling lang talaga itong si Kai.

"Sige na, pumunta ka na muna," sabi ni mama sa akin. Ibinaba ko ang hawak kong sandok at itinanggal ang suot kong apron. Isinabit ko muna ito sa kung saan ito nakalagay at lumabas ng kusina.

Doon ko nakita si Kai na nasa hagdan at kumakaway sa akin. "Ano na naman 'yon?" inis kong tanong.

"Turuan mo 'ko sa assignments ko, ate." Dismayadong mukha ang ipinakita ko sa kaniya nang marinig ko iyon.

I know my brother well, he doesn't need any help when it comes to his assignments. Sa sobrang talino niya tulad ng kuya ko, advance na rin siyang mag-isip. Lessons ng higher level ay naiintindihan na niya at pinag-aaralan na niya. I know what he needs this time, he needs someone to talk to. And I can sense that our topic is about Lory. Ang ate niyang hindi naman na talaga ate ang tawag niya.

"Halika, ate. Dalian mo!" utos niya sa akin at dahil mabait ako, sumunod ako sa kaniya sa taas papunta ng kuwarto niya.

"Nagmamadali ka naman masyado, ano na naman ba 'yang daldal mo?" tanong ko habang papasok pa lang kami sa loob ng kuwarto niya.

"Basta, ate. Wait ka lang."

Nang makarating kami sa loob ng kuwarto niya, hindi ko na isinara ang pinto dahil lalabas din naman ulit ako upang tulungan ulit si mama magluto. Umupo siya sa kama niya at binuksan ang cell phone niya. Tumigil ako sa harapan niya at nakatayo lang habang nakapamewang. Habang nag-aantay akong ibuka niya ang bibig niya at magsimulang kausapin ako, abala pa rin siya sa cell phone niya, kaya tahimik lang akong nag-aantay.

"Ano na?"

"Ito, ate. Wait lang." Mabilis siyang tumayo mula sa kama niya at ipinakita sa akin ang cell phone niya.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon