Chapter 20

74 21 24
                                    

This day, after our classes. Napag-usapan namin ni Lory na magpunta ng milktea store, just to spend our time and speak more with each other. Marami na rin kasing pinapagawa sa amin, kaya kahit sa school, hindi na rin kami gaanong nakakapag-usap sa isa't isa. Gustuhin man namin, marami pa kasing nakaabang na school works na dapat naming tapusin.

Kasalukuyan akong nag-aantay kay Lory sa milktea store, nasa loob ako kasi medyo mainit sa labas at hindi ko kaya ang tirik ng araw, baka mahimatay ako kakaantay. Mas mauna pa akong maprito sa pritong isda ni mama.

Tingin dito, tingin doon. Ang tagal kasing dumating ni Lory, naubos ko na rin ang in-order kong okinawa milktea. May balak pa akong mag-order ulit mamaya dahil hindi sapat sa akin ang isa lang.

"Tagal naman ng babaeng 'to..." inis na bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo ko.

I unlocked my phone again to message Lory. Tinadtad ko siya ng messages kanina at iisa lang ang reply niya sa akin, wait lang daw. Minsan nakakairita rin si Lory, pero 'di ko kayang magalit sa kaniya nang sobra-sobra, pero masaktan, puwede pa.

"Nako... Lory, napakatagal..."

May mga tao ring naririto sa store, 'buti nga sila may kasama e, ako wala. Nag-iisa lang, ang tagal pa ng inaantay ko, pa-VIP. Nakakainip kapag may inaantay, gustong-gusto ko nang madaldal si Lory, kailangan ko nang i-release 'tong kadaldalan ko. Baka pumutok pa ulo ko sa sobrang dami ng kuwento ko.

After how many minutes, I heard the glass door of the store opening, Lory already showed up. Finally, she already showed up. After the long wait, nandito na siya. Palakpakan.

"Tagal mo naman," inis na bulong ko sa kaniya sabay irap.

Umupo siya sa kabilang side at ipinatong ang bag niya sa mesa. Nagpunas muna siya ng pawis niya habang ako naman ay nakatitig lang sa kaniya na naiinip. Ngayon lang dumating, tapos 'di pa magsalita kung ano ang nangyari at bakit ngayon lang siya nakarating.

"Tagal mo ah, ano na naman ang rason mo ngayon?"

"Inutusan pa kasi ako ni mama bumili ng gulay sa palengke," paliwanag niya.

"Okay, whatever. O, order-an mo na ako. Ikaw ang late e," utos ko sa kaniya, ngunit tinaasan niya ako ng kilay.

"Tapos ka na ah? Ano ka? 'Wag ka ngang madaya—"

"Hoy... napag-usapan natin 'yon na kung sino ang late, manlilibre. Tumatakas ka na naman sa responsibilidad mo," biro ko sa kaniya.

"Oo na, ano ba sa'yo?"

"Okinawa ulit," nahihiyang sabi ko sa kaniya at agad naman siyang tumayo upang magpunta sa counter at mag-order.

"Nice, nalibre na naman..." bulong ko sa sarili ko habang nakangiti.

Mayaman naman 'yang si Lory e. Barya-barya lang sa kaniya ang milktea. Pinapaaral siya sa public dahil ayaw siyang maging spoiled brat ng parents niya at ayaw rin naman niyang magsayang ng pera.

Muli naman siyang bumalik sa mesa namin habang nag-aantay ng order niya, inilabas muna niya ang cell phone niya at gano'n din ako. Tamang scroll lang sa social medias habang hindi pa nauubos ang data.

"'Di ka na kinakausap ni Tasha sa messenger?" tanong niya sa akin.

"Hindi na, matagal na 'yong last naming chat. Siguro mga tatlong linggo na ang nakalipas."

"Okinawa and strawberry!" Nang marinig iyon ni Lory, agad siyang tumayo at lumapit sa counter upang kunin ang order niya at kumuha na rin siya ng dalawang straw.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon