Chapter 25

68 20 35
                                    

"Kuya saglit lang po kami ro'n," pagpapaalam ko kay kuya.

Pagkatapos magpatawad, manghingi ng tawad at mag-iyakan—napag-usapan na rin naman na gumala ngayon dahil wala naman din kaming pasok at boring sa bahay. Wala nang assignments kasi tapos ko nang gawin, kaya gusto ko nang gumala.

"E, nasaan na ba sina Lory at Tasha?" tanong ni kuya na nakapamewang pa at ako naman ay abala sa pagsusuot ng sandals ko.

"Mamaya... parating pa lang sila, kuya."

"Napapadalas ang paglabas niyo ah? Mag-iingat kayo lagi, anak," bilin ni mama sa akin.

"Opo, napapadalas lang kasi bonding na rin daw. Minsan na lang din po kami makalabas e," sagot ko kay mama at inabot niya sa akin ang pocket money ko.

"Dagdag sa ipon mo," sabi niya sa akin.

Bakas sa mukha ko ang saya nang abutan ako ni mama ng dagdag na pocket money. Malaki-laki rin naman ang dala ko, pero dinagdagan pa niya ng isang libo, bale dalawang libo na ang dala ko. Hindi naman ako magastos, kailangan ko lang magdala ng sobra kasi mamaya may makabasag sa kanila, tulong din 'tong pera pangtubos sa kakulitan nila.

"May kumakatok," sabi naman ni Kai nang marinig niya at agad namang binuksan ni kuya Jin ang pinto.

"Hello! Pasok kayo." Pinapasok niya silang dalawa at kita ko si Lory at Tasha na nakangiti habang papasok dito sa loob ng bahay.

"Hello po, tita! Hello Kai!" bati ni Lory sa kanila at nagmadaling lumapit kay mama upang magmano.

"Hello po!" bati rin ni Tasha at nagmano kay mama.

"O, kumusta naman kayong tatlo? Mabuti at hindi kayo nagkakaaway-away." Natahimik silang dalawa at ganoon din ako habang pasimple kaming nagkakatitigan.

"'Di naman, ma. Hindi 'yon mangyayari," panatag kong sinagot ang nabanggit ni mama sa amin.

Kung maayos naman na ang sitwasyon, hindi na kailangang ipaalam ang nangyari noon. Para sa akin, mas magandang huwag nang balikan ang nakaraan upang hindi muling mabalikan kung ano man ang sakitan na naganap noon. Maaari kasing makasakit na naman ito ng tao at baka ang ending, magkaroon na naman ng away. So, let's keep it a secret since everything is doing great now.

"Mabuti naman kung gano'n. Mag-iingat kayo sa daan. Jin ingatan mo 'tong tres marias ko."

"Opo, ma."

Napangiti ako nang marinig kong sabihin ni mama na tres marias niya kami. She treats my friends like her own children, and I feel lucky to have a mother like her. A mother that will treat my friends nicely with love and care. She doesn't only care for her own child, but for the rest as well. The best example of a mother with a heart of gold—a loving mother too to her child's friends.

***

"Thank you po, kuya Jin!" pasasalamat ng dalawa habang kumakaway sila kay kuya.

"You're welcome, mag-iingat kayo ah?"

"Opo!" sabay ring sagot nina Lory at Tasha.

Nang makaalis si kuya ay nagkapit-bisig kami habang nilalakbay ang mall. Hindi namin alam kung ano ang uunahin naming gawin, pero napagdesisyunan naming magpunta muna ng department store dahil lahat kami ay may gustong bilhin doon. Lalo na si Tasha na mahilig mag-ayos, hindi lang niya hilig ang paglalagay ng make-up, may hilig din siya sa mga damit. She has her own style and I love her style with confidence.

"Hala! Ang cute naman!" sabi ni Lory habang may tinuturo at napatingin naman si Tasha sa kaniya at ngumiti.

"Ang cute ng aso!" sabi ni Lory habang nakatitig sa aso na tinuturo niya.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon