Chapter 40

80 20 63
                                    

"Saan ka na naman ba pupunta?" tanong ni Kai sa akin.

Kanina pa ako nag-aayos ng buhok ko at hindi ako matapos-tapos nang mabilis dahil sa kakatanong ni Kai sa akin. When he saw me earlier that I was busy picking my outfit for today, he immediately asked me—until now, he's still asking me though I've already answered his questions earlier. Makulit, sobrang kulit. Kanina pa niya ako binabantayan at parang hindi ako papayagang lumabas. Nagpaalam na ako kina mama't papa kanina, at ang sabi nila ay okay lang daw.

"Ate, sa'n ka pupunta?"

Ibinaba ko ang hawak kong suklay at tiningnan siya sa salamin kung saan ako nakaharap. "Lalayas na ako..."

"Mag-aasawa na ako," sarkastikong sagot ko.

Dahil Sabado ngayon, naisipan ko munang umalis mag-isa at magmuni-muni. Hindi naman ako lalayo rito sa village namin, d'yan lang naman ako sa milktea store na madalas naming pipuntahan at tinatambayan nina Tasha at Lory tuwing uwian namin noong grade 10 pa kami. Nang tumayo ako sa upuan ko ay agad ding tumayo si Kai sa kama at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"Mag-aasawa ka na?"

"Oo, bakit?" mataray kong tanong sa kaniya. Nag-spray ako ng perfume sa katawan ko at sa kamay.

"Sige lang. Babalik ko lang sa loob ng sinapupunan mo 'yong anak mo 'pag nagkaroon ka ah?" I saw his eyes squinted.

"Ayaw ko pa maging batang tito." He crossed his arms and smirked.

I turned around and faced him. "I was just joking, relax... kaya ka nagmumukhang tito agad e... lagi kang stressed sa 'kin," pang-aasar ko.

"Nang-aasar ka na naman, pero 'pag ikaw inaasar pikon ka—"

"Ikaw rin naman e, tingnan mo. Lakas ng tama mo 'pag inaasar mo 'ko."

"O, sa'n ka ba pupunta?" tanong niya ulit sa akin.

"Basta... nagpaalam na 'ko kila mama kaya 'wag ka nang mag-alala. 'Wag nang maraming tanong." Naglakad ako papalabas ng kuwarto ko na ang bitbit ko ay ang panyo, wallet, at cell phone ko—kasama na rin ang keychain na iniregalo ni Zach sa akin.

"Sigurado ka? Bahala ka sa buhay mo ah?" Napatingin ako kay Kai at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit? Mamamatay ba ako mamaya?" sarkastikong tanong ko.

"Mag-ingat ka lang. 'Di ba nga iba na ang panahon ngayon sa panahon dati?"

Inilayo ni Kai ang titig niya sa akin. "Kahit 'di kagandahan... napapasama rin—"

"Kapal mo talaga. So, sinasabi mong pangit ako?" tanong ko sa kaniya habang nakaturo ang hintuturo ko sa sarili ko.

"Mapang-asar ka talaga e, kahit kailan—"

"Maganda ka. Kaya nga nagustuhan ka ni kuya Nick, 'di ba?" Natikom ang bibig ko at hindi na tuluyang nakapagsalita pa.

"Maganda ka... kaya 'wag mong sasayangin ang sarili mo para sa taong hindi ka naman gusto ah?" Ang mga mata ko ay patagong nakatitig sa hawak-hawak kong keychain.

"Inaasar lang kita, pero ang totoo talaga ay maganda ka, mabait, matalino—lahat-lahat mayro'n ka na e, kaya sana... 'wag mong sasayangin sarili mo sa maling tao."

Napangiti ako. "Bakit naman 'yan ang topic natin?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"You've been doubting yourself that you're not beautiful inside and out, but the truth is you are always beautiful."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon